Martes, Agosto 27, 2013

Araling Panlipunan IV ( 2 )

       Paksa: Demand

       Lesson Description:
                   Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng tao sa loob ng 
               pamilihan. Ang konsepto ng Demand ay nakatuon sa gawi ng mamimili sa pamilihan. 
               Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais bilhin ng 
               mamimili sa iba't ibang alternatibong produkto sa isang takdang panahon.
      Layunin:
               1. Naibibigay ang sariling pangkahulugan sa demand. ( LC. II, 1.2 )
               2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand. ( LC. II,1.3 )

      Learning Presentation:
                 1. Ang kakayahan at kagustuhan ng isang tao na makamit at bilhin ang isang 
                     produkto o serbisyo ang nagtatakda ng kanyang demand. Kailangan na       sabay na 
                     umiiral ang dalawang katangiang iyon upang masabing may demand ang isang 
                     tao. Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand ng mga 
                     mamimili. Tunghayan ang karagdagang paliwanag tungkol sa paglalarawan ng 
                     demand.
                   http://www.slideshare.net/ginaccristobal/mga-paraan-ng-paglalarawan-sa-demand
                 2. Matapos maunawaan ang mga paraan ng paglalarawan ng demand, Unawain 
                     nating mabuti ang nilalaman ng Batas ng Demand 
                     Kapag mataas ang Presyo, mababa ang Demand at kapag 
                 mababa ang Presyo, Mataas ang Demand "Ceteris Paribus". 
              Ano kaya ang kahulugan nito? Ipaliwanag nga!
                 3. Isa-isahin ang mga salik na naka aapekto ng demand.

     Pagtataya:
          Kung lubos mo nang naunawaan ang tungkol sa demand, subuking 
         sagutin ang pagsusulit na ito.
            http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=demand-quiz
            
         Takdang Aralin:
               Gumupit ng larawan na nagpapakita ng iba't-ibang suliranin ng ekonomiya. Magbigay 
               ng maikling paliwanag kung bakit suliranin ang mga ito.
               
         
                   

              

13 komento:

  1. Salamat po dito ma'am. Mas naintindihan ko po ang ating lesson dahil na rin po sa mga examples at powerpoint presentations.Malaking tulong po ito sa aming mga kabataan upang mas maging aware po kami sa ekonomiya ng ating bansa.Kahanga-hanga po ang pagkakagawa ninyo nito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. likewise..just don't forget the assignment.. Kukulangin na naman tayo sa oras ng klase..kaya ganito na lng.. tenx tenx..

      Burahin
  2. Ma`am thank you po dito sa ginawa niyong blogspot dahil mas pinadali niyo po ang aming pag-aaral, kahit nasa bahay po ako ay madali ko lang na a-access at malaking tulong po talaga ang mga powerpoint presentations. Thumbs up po for this! =)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. likewise..just don't forget the assignment.. Kukulangin na naman tayo sa oras ng klase..kaya ganito na lng.. tenx tenx..

      Burahin
  3. I hope na magawan ko pa ng ganito ung iba nating mga paksa.. that way... hindi na maging boring ang Araling Panlipunan

    TumugonBurahin
  4. Maganda po ang pagkakagawa ninyo nito ma'am. Thank you po dahil sa pamamagitan nito, may natutunan kaming bago. Tiyak pong magagamit namin ito upang mapaunlad pa ang ekonomiya ng ating bansa dahil sabi nga ni Marj, mas nagiging aware po kami dito. :)

    TumugonBurahin
  5. Mahusay po ito na paraan niyo ng pagtuturo ma'am kasi po hindi lang po kami natututo eh naaaliw din po kami.. Tulad nga po ng sabi niyo hindi na po maging boring ang AP.. Ngunit minsan po ma'am eh maganda rin po pag dicussion sa klasrum kasi po nandoon din po kasi ung parang "brainstorming" natin na talaga naman pong nakakaaliw at epektibo sa pag-aaral namin. Lubos po ako, kaming nagpapasalamat sa pagggawa niyo po nito!:D Godbless

    TumugonBurahin
  6. Nakatulong po ng malaki ang online teaching na ito para sa aming mag-aaral dahil marami po kaming natutuhan dahil sa mga powerpoint presentations at mas madali po para sa amin ito dahil nasummarize na ito.Maraming salamat po dito ma'am.

    TumugonBurahin
  7. Mahusay po ang pagkakagawa nito ma'am. Mas lalo pa namin mauunawahan ang mga lesson dito sa online teaching. Maraming salamat po dito ma'am.:)))

    TumugonBurahin
  8. first of all maam, i just want to say thank you for making this blog specially for us, talaga pong mas epektibo po ang iyong pagtuturo ng iyong subject lalo na pag ginamitan ito ng kaunting teknolohiya. Nababagay ito dahil ito ang masasabi nating 'trending' ngayon dahil mas updated na kami sa mga bagay bagay at mga facts na makukuha namin sa mga blog na mga ito.sa mga paksa po, maganda po dahil may illustrations pa at slides para mas madali ang pag absorb ng utak namin sa mga paksang naibigay, secondly, mas naaaliw pa ang mga magbabasa dahil meron ka pang ginawang or should i say may ginawa ka pa pong quiz para itoy aming ianswer. Talagang maganda po at sana poy sa 3rd at 4rth grading ay may online teaching pa rin.2 thumbs up maam^'^-rjred

    TumugonBurahin
  9. Maraming salamat Ma'am sa ibat ibang kawili-wiling pamamaraan nang inyong pagtuturo. Isa na po dito, ang ngayong tinatawag nilang "online teaching". Napakalaki ng tulong nito sa aming mga estudyante, hindi lang po sa amin kundi po sa lahat ng kabataan dahil po sa mas magiging update po kami sa mga aralin na ituturo at ituturo pa lamang. Isa pa po mas may tendency po na magiging aware ang bawat magaaral. Sa ganda at ayos ng paglalarawan, paglalahad ng bawat laman ng bawat aralin, wala na po akng masab dahil po sa masasabing maiintindihan po talaga at maieexplain po talaga ang bawat paksa sa sinumang babasa ng mga aralin dito.. two thumbs up mam :)

    TumugonBurahin
  10. tenx ma'am.kahit na hindi po ako masyadong nakakaintindi ng ilang mga tagalog words, mas napadali po sa akin dahil sa blospot na ito. malaking tulong po ang mga ppt.presentations at lalung-lalo na po ang mga discussions na nakalagay po dito...

    TumugonBurahin
  11. Thanks po ma'am. I'm looking forward pa po sa mga susunod pang paksa na ipopost ninyo. Malaking tulong po ito dahil very organized ung mga discussions.

    TumugonBurahin