Martes, Nobyembre 5, 2013

Araling Panlipunan III - Repormasyon

Araling Panlipunan III- Repormasyon

I. Paksa: Repormasyon

II. Layunin: Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng Repormasyon ( LC 3A,3.7)
                   Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang     
                             Katoliko ang mga lider ng mga Protestante.
III. Learning Presentation:
               1. Balik-aral. Pagbisita sa website na may kinalaman sa mga pamana ng        Renaissance. Bisitahin ang website na ito. 
             http://www.slideshare.net/jeromejohngutierrez/ang-renaissance
              
               2. Sa panahong midyibal, ang Simbahan ay isang makapangyarihang institusyon sa Europe at nagtatalay ng napakalawak na impluwensya. Higit ang kapangyarihang taglay ng mga pari kaysa sa mga hari.Ngunit, unti-unti,ang kapangyarihang ito ng mga pari ay humina,dulot ng maraming kadahilanan.
               3. Sa pangyayaring humina ang kapangyarihan ng pari, nagkaroon ng tinatawag na repormasyon at kontra repormasyon.Ano ang ba ang repormasyon? Bisitahin angwebsite na ito upang lubos na maunawaan ang paksa.
                 http://www.slideshare.net/ghagini0101/ang-repormasyon-13600698
http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10

IV. Pagtataya:
            Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang website na ito:
             http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10
V. Takdang Aralin:
             Ano ang paliwanag ni Martin Luther at bakit may mga ilang sakramento ng SimbahangKatoliko ang hindi niya pinaniniwalaan? Makatwiran ba ito? Ipaliwanag ang sagot.



115 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman.

    TumugonBurahin
  3. 9/10 po ang score ko sa pagsusulit :)

    TumugonBurahin
  4. Kanyang ipinaliwanag ang doktrina ng pagbibigay-katwiran na nasasalalay sa pananampalataya lamang at ipatanggol ang pagbibigay kahulugan ng tao sa biblia. Ito'y naging makatwiran dahil ang mga sakramento ng kasal, kumpil, binyag, komunyon, at kumpisal na ipinatupad ng simbahan ay may kasama itong pagbabayad na ito ay para lamang sa pagaayos ng simbahan. At ito'y kanyang tinutulandahil para sa kanya ang pagbibigay katwiran ay ang manampalataya sa diyos na toyo mismo ang magdasal at humungi ng tawad sa mga nagawa nating mga kasalanan at bigyan ding kahulugan ang mga nakasulat sa biblia. :)

    TumugonBurahin
  5. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  6. 9/10 :D

    tinutulan ni marthin luther ang maling ideya ng mga opisyal ng simbahan na pag hingi ng mga salapi para sa ipinapatayong mga proyekto ng mga simbahan kaya ipinako niya ang 95 theses sa isang simbahan sa Germany upang matigil nag corruption na nangyayari sa simbahan.

    TumugonBurahin
  7. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  8. 8/10 po :)
    Tumutol siya sa katwiran ng mga pari kung saan ang mga taong pinapatawad nila ay yung mga taong nagbibigay lang ng malaking halaga ng pera. Ayon kay Luther, dahil sa kanilang ginawa, sila ay umaabuso na sa mga tao. Tinutulan din niya ang pagkakagawa ng mga rebulto dahil naniniwala siya na ito’y labag sa aral ng Diyos. Naniniwala siya na ang mga Gawaing ito ng mga opisyal ay labag na daw sa mga aral ng Panginoon.

    TumugonBurahin
  9. Si Martin Luther, ang tinaguriang Ama ng Repormasyon ay tumuligsa sa maraming mga doktrinang ipinapatupad ng Iglesia Katolika Apostolica Romana at ang ilan nga dito ay patungkol sa kasal, pagkukumpisal, tithes atbp. Ang kumpletong talaan ng kaniyang mga hinaing o "protesta" laban sa Simbahang Katolika ay nakapaloob sa kaniyang aklat na "95 Theses" na lubha rin namang nakapagpalakas sa pagkakaroon ng repormasyon.

    Ilan sa mga tinutulan niyang aral na kaniyang tinuligsa sa kaniyang aklat ay patungkol sa mga pang aabuso ng mga pari sa kanilang kapangyarihan. Sila ay nag aalok ng panayang pagpapatawad sa sala ng isang tao na ang kapalit ay isang malaking halga. May mga aral din siyang tinuligsa katulad na lamang ng patungkol sa mga rebulto na aniya'y labag umano sa aral ng Diyos na nakasulat pa sa Banal na Kasulatan:
    1.At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
    2Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

    3Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

    4HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG LARAWANG INANYUAN o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLINGKURAN MAN SILA; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; 6At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
    (EXODO 20: 1-6)

    Lalong tumibay nga ang repormasyon at nagtagumpay si Luther. Hindi naglaon ay nakabuo siya ng isang relihiyon na kung tawagin ay "Protestantismo" na mula sa "Protesta" o paglaban.

    Sa aking pananaw bilang pagtatapos ng aking komento, ay nagng makatuwiran ang gnawa ni Martin Luther dahil nagpahayag siya ng bagong mga kaalaman at isa itong halimbawa ng malayang pagpahayag ng sarili

    TumugonBurahin
  10. Oo makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko dahil minsan ito ay hindi maganda at kailangang gumamit ng salapi. Ayon sa kanya, ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay hindi mabibili ng salapi. Hindi rin sapat ang paggawa ng kabutihan kundi, kailangan ang maigting na pananampalataya at pananalig kay Hesus. At dahil sa kanyang mga paninindigan, itiniwalag siya ng papa (Pope Leo X) at kinondena siya ng emperador (Charles V) sa Diet of Worms bilang tagalabag ng batas.

    TumugonBurahin
  11. tinitulan ni luther ang ideya ng mga namumuno sa simbahan sa pagkuha ng salapi sa mga nagkasala upang matanggal ang kanilang mga kasalanan...ang naipung salapi na ito ay gagamitin para maipagpatuloy ang pagpapagawa ng Simbahang St. Peter...Dahil dito ipinaskil ni Luther sa mga pintoan ng Simbahang Wittenberg ang 95 Theses...OO makatuwiran nga ito dahil ayon sa kanya ang tunay na pagpapatawad ng isang tao ay hindi nangangaylangan nang salapi o kahit na anong bagay na kapalit upang mapatawad ng maykapal.

    TumugonBurahin
  12. Tumutol siya sa paggamit ng salapi para sa mga proyekto sa simbahan. Makatwiran siya dahil sa kanyang paniniwala hindi kailangan ng salapi upang ipahayag ang paniniwala at pananampalataya sa simbahan. Hindi rin siya sumasang-ayon sa ginagawa nila na kumukuha sila ng salapi upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan.

    TumugonBurahin
  13. 8/10 po :)

    Ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko ay makatwiran lamang dahil hindi naman talaga kailangan ang salapi at paggawa ng kabutihan para makalaya sa parusa ng Diyos sa kasalanan kundi ang pagtanggap sa Kanya bilang Hari at tagapagtanggol ng iyong buhay ang dapat gawin upang makamit ang tinatawag nating "Salvation". Dahil sa paninindigan o paliwanag ni Luther na ito, siya ay hinatulan ng emperador na si Charles V na tagalabag ng batas sa Diet of Worms at itiniwalag ni Pope Leo X.

    TumugonBurahin
  14. Hindi sumang-ayon si Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko dahil naniniwala siyang mali ang ideya ng mga opisyal ng simbahan na paghingi ng salapi para mapatawad ang kanilang mga kasalanan. OO, ito'y makatwiran dahil hindi mababawi ng salapi, gaano man ito kalaki, ang anumang kasalanang nagawa natin. Hindi rin sapat ang pagsisi lang at paggawa ng kabutihan.

    TumugonBurahin
  15. 9/10

    Makatwirang ang hindi pagsang-ayon ni Martin sa ilang mga sakramento ng Simbahang Katoliko. Ang halimbawa nito ay ang kaisipang ang kasalanan ay mapapatawad sa pamamagitan ng salapi. Ito'y mali sapagkat, hindi kailanman kayang mapapatawad ng salapi ang nagawang kasalanan ng isang tao, mapamayaman man ito o mahirap.

    TumugonBurahin
  16. Ang hindi pagsang ayon ni Luther sa ilang sakramento ng simbahang Katoliko ay makatwiran lamang .. dahil sa kanya..hindi tama ang gawain ng mga opisyal ng simbahan na nanghihingi ng salapi para sa kapatawaran ng kanilang kasalnan dahil hindi salapi ang makakapagpatawad ng isang tao kundi ang kapwa tao at ang Diyos lamang,,, Kahit gaano man kalaki ang salaping ito.. hindi ito ang makakapgpatawad sa isang tao.. sa katotohanan maaring ito pay dumagdag sa kanyang kasalanan :)) bastat may pananalig sa Diyos tayo ay mapapatawad :D

    TumugonBurahin
  17. Isa sa mga sakramento/konsepto ng simbahan na tinutulan ni Luther ay ang konsepto ukol sa kaligtasan ng kaluluwa ng tao. Tinuligsa rin niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng idulhensya at sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo. Labis niyang tinutulan ang mga ito dahil naniniwala siyang ang Bibliya ang tunay na batayan ng pananampalataya at hindi ang mga utos ng Santo Papa.
    Para sa akin, makatwiran ang pagtutol ni Luther sa mga sakramentong ito dahil, ang bibliya parin ang simbolo ng pananampalataya. Hindi rin tama na magsabi ng maling konsepto ang mga Santo Papa sa mga tao at higit sa lahat, hindi rin dapat inaabuso ng Simbahan ang perang nalilikom nito.

    TumugonBurahin
  18. Makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang mga sakramento ng simbahang katoliko.Ang mga gawain ng mga opisyal ng simbahang katoliko ay hindi tama para sa kanya dahil sila ay humihingi at lumilikom ng salapi sa mga nagkasalang tao para sila ay patawarin at ang mga salaping nalikom ay gagamitin sa pagpapa-ayos ng simbahan.At ang ating Diyos ay walang sinabi na ang makakapagpatawad sa atin na nagkasala ay limpak-limpak na salapi,pagpepenetensya o pangungumpisal kundi ang paghingi ng tawad sa mga taong nagawan mo ng kasalanan at paghingi sa kanya ng tawad dahil kahit wala kang pera o salapi ay mapapatawad ka ng Diyos basta ikaw ay magtitiwala at maniniwala sa kanya.:)))

    TumugonBurahin
  19. Makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko dahil naniniwala siyang mali ang ideya ng mga opisyal sa paghingi ng salapi, gaano man ito kalaki ang anumang kasalanang nagawa natin.Ito'y hndi kayang matumbasan ng salapi para mapatawad tayo ng ating Diyos. :)

    TumugonBurahin
  20. Tumutol si Marthin Luther sa mga maling ideya ng mga namamahala sa siimbahan na pag hingi ng mga salapi mula sa mga nagkakasala para sa ipinapatayong mga proyekto ng mga simbahan para sila ay mapatawad dahil sa kanilang mga kamalian kaya ipinako niya ang 95 theses sa isang simbahan upang matigil ang corruption na nangyayari sa simbahan.

    TumugonBurahin
  21. Makatwiran lamang ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko 'coz hindi tama ang paghingi ng mga ilang opisyal ng salapi kapalit ng kapatawaran sa kasalanang nagawa. Hindi kayang tumbasan ng pera ang kapatawaran ng Diyos. Yun lamang po.

    TumugonBurahin
  22. Noong Oktubre 31, 1517, si Luther ay sumulat sa obispong si Albert ng Mainz na nagpoprotesta sa pagbebenta ng mga indulhensiya. Kanyang inilakip ang kopya ng "Disputation of Martin Luther on the Power and Efficacy of Indulgences," na tinawag na The Ninety-Five Theses. Isinulat ni Hans Hillerbrand na si Luther ay walang intensiyon na komprontahin ang simabahan ngunit nakita nito ang kanyang disputasyon bilang isang pagtutol na pang skolar sa mga pagsasanay ng simbahan at ang tono ng kanyang pagsulat ay kaya "paghahanap kesa isang doctrinaire." Isinulat ni Hillerbrand na gayunpaman ay may hindi hayagang paghamon sa ilan sa theses partikular na sa Thesis 86 na nagtatanong na: "Bakit ang papa na ang kayamanan ngayon ay mas malaki kesa sa kayamanan ng pinakamayamang Crassus, ipinatayo ang basilica ni San Pedro gamit ang pera ng mga mahihirap na mananampalataya kesa sa sarili nitong pera?".
    Tumutol si Luther sa isang kasabihang itinuro kay Johann Tetzel na "Sa pagdating ng barya sa lalagyan ng pera, ang kaluluwa mula sa purgatoryo [na pinatunayan rin bilang 'nasa langit'] ay sumisibol."
    Kanyang ipinilit na dahil ang kapatawaran ay tanging sa diyos lamang upang ipagkaloob, ang mga nag-aangkin na ang mga indulhensiya ay nagpapawalang sala sa mga bumibili nito mula sa lahat ng mga kaparusahan at nagbibigay rito ng kaligtasan ay mga mali. Kanyang isinaad na ang mga Kristiyano ay hindi dapat tumumal sa pagsunod kay Kristo sa dahilan ng gayong mga maling kasiguraduhan. Gayunpaman, itong kadalasang sinisiping kasabihan ni Tetzel ay hindi kumakatawan sa opisyal na katuruang Katoliko tungkol sa mga indulhensiya kundi bagkus ay isang repleksiyon ng kakayahan na magpasidhi. Gayunpaman, kung pinasidhi ni Tetzel ang bagay tungkol sa mga indulhensiya para sa "namatay", ang kanyang katuruan tungkol sa mga indulhensiya para sa "buhay" ay dalisay.

    TumugonBurahin
  23. Makatwiran po na hindi niya paniwalaan ang ilang mga sakramento ng simbahang katoliko dahil tutol siya sa maling gawain noon ng mga opisyal ng simbahan na manghingi ng salapi o kahit anong bagay na mahalaga kapalit ng kapatawaran sa nagawa nilang kasalanan .

    TumugonBurahin
  24. Kanyang matinding tinutulan ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay mabibili ng salapi. Kanyang kinompronta ang tagpagtinda ng indulhensiya na si Johann Tetzel sa kanyang Ninety-Five Theses noong 1517. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng kanyang mga isinulat sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador ng Banal na Imperyo Romano na si Charles V sa Diet of Worms noong 1521 ay humantong sa kanyang pagkakatiwalag ng papa at kondemnasyon ng emperador bilang tagalabag ng batas.makatwiran lamang po ang ginawang pagtutol o hindi paniniwala ni Martin Luther sa ilang mga sakramento ng simbahang katoliko sapagkat hindi tamang manghingi ng indulhensya sa mga mamamayan upang gawing kabayaran sa kanilang mga kasalanan upang gmitin sa pagpapaayos nila ang basilica.yun lamang po.

    TumugonBurahin
  25. Nangaral si Luther sa layunin ni John Tetzel sa pamamagitan ng kanyang mga katwiran na tinawag na 95 theses. Ipinaskil niya ito sa mga pinto ng simbahan ng Wittenberg. Habang pinagtatalunan ang kanyang theses, lalo siyang nakumbinsi sa kanyang paniniwala na hindi siya sang-ayon sa mga kinaugalian ng Simbahan. Ang 95 theses ang maituturing na nagpa-apoy sa Repormasyon.

    TumugonBurahin
  26. Makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa ilang sakramento ng simbahang katoliko dahil masyado silang mahigpit noon at ginawa lamang ni Luther ang tama at sobrs din ang mga pari noon..

    TumugonBurahin
  27. Makatwiran lamang ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang Sakramento ng Simbahang Katoliko dahil hindi tama ang gawain ng mga opisyal ng simbahan na manghingi ng salapi o anumang bagay na ang kapalit ay ang kapatawaran sa mga nagawa nilang mga kasalanan.

    TumugonBurahin
  28. Makatwiran lamang ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko. Si Martin Luther ay isang Alemang paring katoliko, propesor ng teolohiya at ikonikong pigura ng Repormasyong Protestante. Kanyang matinding tinutulan ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay mabibili ng salapi. Kanyang kinompronta ang tagpagtinda ng indulhensiya na si Johann Tetzel sa kanyang Ninety-Five Theses noong 1517. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng kanyang mga isinulat sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador ng Banal na Imperyo Romano na si Charles V sa Diet of Worms noong 1521 ay humantong sa kanyang pagkakatiwalag ng papa at kondemnasyon ng emperador bilang tagalabag ng batas.
    Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran. :)

    TumugonBurahin
  29. Ang paliwanag ni Martin Luther at bakit may mga ilang sakramento ng Simbahang Katoliko ang hindi niya pinaniniwalaan ay dahil sa pagpapakalabis ng mga pari. Ayon sa ibang pari, maaaring huwag nang pumunta sa simbahan para mangumpisal basta magbigay lamang ng malaking pera ay napatawad na sila ng Diyos. Dahil doon kumonti na ang pumupunta sa simbahan at ginawa niya ang 95 theses na nagpaapoy sa Repormasyon para kontrahin ito. Bukod dito tinutulan din niya ang pagpapagawa ng mga rebulto dahil naniniwala siya sa nakasulat sa bibliya. E.g. Exodus 20:4 Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig. Exodus 20:5 Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat ang Diyos ay mapanibughuin. “Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi.” Para sa akin, makatwiran ang kanyang paniniwalang ang kasalanan ay hindi pinagbabayaran ng pera kundi taos pusong pagsisisi at ang hindi pagsamba narin sa mga rebulto. Sa huli, iminulat niya ang mga maling gawain ng mga pari.

    TumugonBurahin
  30. >>>
    Si Luther ay nag-aral ng abogasya ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy at sa halip ay nagpari siya sa pag-asang matatamo niya ang katahimikan at ginhawa dahil matagal na siyang ginigulo ng katanungan tungkol sa kaligtasan ng kaluluwa. Pumasok siya sa orden ng mga Mongheng Agustino.
    Para sa akin makatwiran lamang ang ginawang pagtutol ni Luther sa ilang Sakramento ng Simbahan. Tumutol si Luther noong ipadala ni Pope Leo X si John Tetzel upang mangaral tungkol sa idulhensya, ang pagpapatawad sa parusang dapat kamtan dahil sa nagawang kasalanan, at nang makalikom ng mga salapi upang ipangpagawa ng mga Simbahan. Maaari pa sana ang kanilang ginigawang pagmamalasakit sa Simbahan ngunit tila nagmamalabis na sila sa paghingi sa mga mamamayan.
    Marami ang laban sa kagustuhan ni Luther kaya naman isinulat niya ang 95 Theses. Dito niya inilagay ang mga katwiran niya sa pangangaral laban sa mga layunin ni John Tetzel. Ito rin ang pinaniwalaang nagpaapoy ng Repormasyon.
    <<<

    TumugonBurahin
  31. Para po sa akin,makatwiran lamang ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng Simbahang Katoliko dahil mali naman talaga ang ginagawa ng mga pari na manghingi ng malaking halaga ng pera kapalit ng kapatawaran ng isang taong nagkasala.

    TumugonBurahin
  32. Makatwiran ang di pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang mga sakramento ng Simbahang Katoliko. Hindi makatwiran ang paghingi ng salapi sa mga nagkasala upang mabigyan sila ng kapatawaran. Dahil sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao, ang nagkasala ay nagkasala. At hindi natutumbasan ng salapi ang kapatawaran ng Panginoon. :-)

    TumugonBurahin
  33. Tinutulan ni Luther ang gawain ng ilang mga paring inaabuso ang pagiging makapangyarihan upang makamit ang pangangailangan ng simbahan. Makatwiran ang ginawa ni Luther na pagtutol dahil ginagawa ng mga pari ang maling paraan ng pagpapatawad. Kanilang pinagbabayad ng malaking halaga ang mga mamamayan upang mapatawad sila ng Maykapal na siyang mali.

    TumugonBurahin
  34. Para sa akin makatwiran lang ang hindi pagsang-ayon ni luther sa ilang sakramento ng simbahan dahil mali ang ginagawa ng mga pari kumuha ng malaking halaga sa isang tao kapalit ng pagpapatawad sa mga kasalanan nito.

    TumugonBurahin
  35. 9/10 . Tinutulan ni MArthin Luther ang pang-aabusong ginagawa ng ilang mga pari na kung saan na ang pagbili nila ng indulhesiya na sinasabi nilang kung sino man ang bibili nito ay mapapatawad ang kasalanan at magkakamit ng kaligtasan. Makatwiran po ang ginawa niya para saakin sapagkat sang-ayon ako sa kaniyang pahayag na tanging Diyos lamang ang makakapagkaloob ng kapatawaran ng kaslaanan.

    TumugonBurahin
  36. 8/10 . Makatwiran lang ang di pag sang-ayon ni luther sa iba pang sakramento ng simbahan dahil may mga sumosobra ng pari at kumukuha sila ng yaman ng mga tao.

    TumugonBurahin
  37. 8/10. Sang ayon ako kay luther kasi inaabuso ng mga pari ang kanilang pagnanakaw at tama lang iyon upang mapigilan ang pangungurakot ng mga pari. XD

    TumugonBurahin
  38. 8/10
    Si Martin Luther ay isang aleman na monghe,na sumulat ng 95 theses na sumasalungat sa pagbabayad ng malaking halaga sa mga pari upang mapatawad ang mga kasalanan.Makatwiran ang pagsalungat ni Luther dahil ito ay nararapat lamang.........Si Razzen Labiano po ito Maam

    TumugonBurahin
  39. Makatwiran ang ginawa ni Martin Luther na pagtutol dahil sa ilang mga gawain ng pari na inaabuso nila ang pagiging makapangyarihan upang makamit ang pangangailangan ng simbahan. Makatwiran din ito dahil ang mga pari ay gumagawa ng maling paraan ng pagpapatawad, pinagbabayad nila ng malaking halaga ang mga mamamayan upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan.

    TumugonBurahin
  40. Makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ibang sakramento ng Simbahang Katoliko dahil hindi naman kailangan ang salapi at paggawa ng kabutihan para makalaya sa parusa ng Diyos sa ating mga nagawang kasalanan kundi ang pagtanggap natin sa kanya bilang ating Ama at tagapagtanggol ng ating mga buhay.

    TumugonBurahin
  41. 10/10 ang paliwanag ni Martin Luther at bakit may mga ilang sakramento ng SimbahangKatoliko ang hindi niya pinaniniwalaan ay Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran.

    TumugonBurahin
  42. May mga ilang sakramento ng Simbahang Katoliko ang hindi niya pinaniniwalaan at ito ay makatwiran dahil para sa akin mali ang ginawa ng mga pari dahil sa sila'y kumuha ng malaking halaga sa isang tao kapalit ng pagpapatawad sa mga kasalanan nito. Binisita niya ang Roma dahil sa kanyang tungkulin at bigla siyang nabigla na merong korupsyon na nagaganap sa simbahan. Pinag-aralan niya ang Bibliya ng mabuti at nagkaroon siya ng konklusyon na si Hesus ang tagapamagitan ng Diyos at tao. Matatamo lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng Biliya at pananampalataya. Tutol din siya sa mga sakramento pagkat di ito nakasulat sa Bibliya maliban sa binyag at komunyon.

    TumugonBurahin
  43. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  44. Pinag-aralan niya ang Bibliya at nagkaroon siya ng konklusyon na si Hesus ang tagapamagitan ng Diyos at tao. Kapag ikay nanampalataya'y ika'y maliligtas. Tutol din siya sa mga sakramento pagkat di ito nakasulat sa Bibliya maliban sa binyag at komunyon. Ipinaliwanag nya ang kanyang doctrina ng pagbibigay-katwiran na nagsasalalay sa pananampalataya lamamng at ipinagtangol ang pag-bibigay kahulugan ng tao sa biblia.Tumutol din sya patungkl sa indulhensya at makapangilak ng salapi para makapagpatayo ng simbahan. Itoy makatwiran.

    TumugonBurahin
  45. Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian.Makatwiran ang ginawa ni luther dahil hindi kailangang magbigay ng pera sa simbahan upang makabayad sa iyong kasalanan.

    TumugonBurahin
  46. 6/10 :) Makatwiran ang hindi pagsang-ayon ni Martin Luther sa ilang Sakramento ng Simbahan dahil ang mga sakramentong ito ay may mga bayad. Hindi naniniwala si Luther na natutumbasan ng pera ang kahit na anong sakramento ng simbahan.

    TumugonBurahin
  47. Makatwiran ang kanyang pagtanggi sa mga sakramento dahil tinutulan niya ang pagbabayad ng malaking halaga upang mapatawad ang kanilang mga sala itoy maling gawain ng mga pari at ipinaliwanag niya ang kanyang doktrina ng pag-bibigay-katwiran na nasasalaysay sa pananampalataya lamang at ipinagtanggol ang pagbibigay-kahulugan ng tao sa bibliya.

    TumugonBurahin
  48. may hindi pinapaniwalaan si Luther na mga sakramento ng simbahan tulad ng binyag, kasal, kumpil, komunyon,at kumpisal dahil para sa kanya, ang pagbibigay-katwiran ay nakasalalay sa pananampalataya lamang. kanya ring ipinagtanggol ang pagbibigay-kahulugan ng tao sa biblia. tinanggihan din ni Luther ang pagbabayad ng tao sa simbahan.
    Makatwiran lamang ito dahil hindi naman kailangang magbigay ng kahit magkanong halaga para mapatawad ka ng Panginoon. manampalataya , maniwala ka lang at humingi ng tawad ay pwede na . "

    TumugonBurahin
  49. Para sa akin, makatwiran lamang ang hindi pag sang ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng simbahan... Ang ilan sa mga sakramentong d niya pinaniwalaan ay ang binyag, kasal at kumpisal. Hindi siya naniniwala dito sapagkat naniniwala syang hindi maaalis ng pangungumpisal ang kasalanan ng isang tao at lalong masama ang pagbibigay ng bayad para lamang sa kapatawaran ng isang kasalanan.

    TumugonBurahin
  50. Makatwiran ang hindi pagsang ayon ni Martin Luther sa ilang sakramento ng simbahang katoliko dahil sa maling paraan ng pagpapatwad ng mga pari sa mga mamamayan.Kanila iitong pinagbabayad ng malaking halaga upang mapatawad sa kanilang nagawang mali.

    TumugonBurahin
  51. ang gawain ng mga opisyal ng simbahan na pagpapatawad sa pamamigitan ng paghingi ng malaking halaga para maipaayos ang kanilang simbahan ang isa sa mga dahilan ng hindi pagsangayon ni Martin Luther sa ilang mga sakramento ng simbahan.
    ayon sa kanya, ang pagpapatawad ay nakakamtam lamang sa pamamagitan ng pagsisi at sa krusada, paglalakbay sa banal na lupain..
    ang gawain ng simbahan na ganoon ay hindi makatwiran at ito'y lumalabag na sa aral bg Diyos.
    Kayat makatwiran lamang ang hindi pafsang ayon ni Luther sa sakramento ng Simbahan. ^_^

    TumugonBurahin
  52. Ang pag papatawad kapalit ng pera para sa simbahan ang hindi sinang ayunan ni Martin Luther dahil ang pag indulhensya ay ang pagpapatawad sa lahat (plenaryo) o bahagi (partial) ng mga makalupang kaparusahan na dulot ng kasalanang nagawa. Ipinagkakaloob ito dahil sa mga kapakinabangang nagmumula kay Kristong Manunubos at sa mga panalangin at mabubuting gawa ng Mahal na Birhen at mga Santo na walang hinihinging kapalit. Para kay Luther ang pagpapatawad ay nakakamtan sa pamamagitan ng lubos na pagsisisi.
    Ito ay makatwiran dahil hindi tamang pag bayarin ang mga taong nais humingi ng kapatawaran para sa ika bubuti ng simbahan.

    TumugonBurahin
  53. 9/10...
    Makatwiran ang kanyang naging desisyon dahil hindi lang pera ang pwedeng ipalit sa mga kasalanan ng nagawa. Dahil para kay Luther ang pagpapatawad ay pwedeng makamtan sa pamamagitan ng pagsisisi. Ang gawaing pagbabayad ay paglalabag sa aral ng ating panginoon, kaya tama lang ang hindi pagsang-ayn ni Luther sa mga ibang sakramento ng simbahan.

    TumugonBurahin
  54. Makatwiran ang desisyon ni Martin Luther sa simbahang katoliko dahil hindi dapat salapi ang pambayad upang mabayaran ang ating mga kasalanan, sapagkat ang pagpapatawad ng Diyos ay nakakamtam lamang sa pamamagitan ng pagsisi. Samakatuwid ang kapatawatan ay walang katumbas na salapi.

    TumugonBurahin
  55. Makatwiran ang naging desisyon ni Marthin Luther dahil hindi makatwiran na dapat malaking pera ang ipambayad upang mabayaran ang ating mga kasalanan.

    TumugonBurahin
  56. Makatwiran ang naging desisyon ni Martin Luther dahil hindi dapat ipagbili ng Simbahan ang pagpapatawad sa parusang dapat kamtan dahil sa mga nagawang kasalanan.

    TumugonBurahin
  57. Tama lang ang naging desisyon ni Martin Luther kasi hindi tama na salapi ang pambayad sa ating mga kasalanan kase sabi ng sa 1John 1:9 'If we confess our sins ,he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. Kaya't Hindi Salapi ang Solusyon Upang Tayo'y Patawarin Ng Maykapal Kundi Tayo'y manalig sa kanya .

    TumugonBurahin
  58. Makatwiran lamang ang naging desisyon ni Martin Luther dahil hindi kailangan ng pera upang mapatawad ang ating mga kasalanan. Dahil sa aklat na "The Babylonian Captivity of the Christian Church" tinanggihan niyang kilalanin ang mga sakramento ng kasal, kumpil, binyag, komunyon at kumpisal. Ipinaliwanag niya ang kanyang doktrina ng pagbibigay-katwiran na nasasalalay sa pananampalataya lamang at ipinagtanggol ang pagbibigay-kahulugan ng tao sa Biblia.

    TumugonBurahin
  59. Dahil naniniwala si Martin Luther na ang pagbibinyag at eukaristiya ang maibibilang lamang na sakramento dahil may nakikitang simbolo katulad na lamang ng ; Tubig simbolo ng pagbibinyag ; Tinapay at Alak naman ang simbolo ng Eukarista

    TumugonBurahin
  60. Tinutulan ni Martin Luther ang maling ideya ng mga opisyal ng simbahan na paghingi ng buwis. Tumutol siya nang ipadala ni Papa Leo X si John Tetzel upang mangaral tungkol sa indulehensiya at makapangilak ng salapi para mapagpatuloy ang simbahan, kaya naman gumawa si Martin Luther ng 95 Theses upang katwiranin ang mga maling gawain at ang pangaral ni John Tetzel. =D

    TumugonBurahin