Linggo, Enero 19, 2014

ARALING PANLIPUNAN III- IKA-APAT NA MARKAHAN


Araling Panlipunan III-Mga Iba't-Ibang Ideolohiya

I. Paksa: Iba't-Ibang Ideolohiya

II. Layunin: Nasusri ang tugon ng mga idelohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng
                                                        establisadong institusyon ng lipunan. ( L.C. IV. A.4.1)
III. Learning Presentation:
            1. Balik Aral. Paano nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya.         Muli
                 bisitahin ang website na ito. http://www.youtube.com/watch?v=sXrnYYWr2-E
            2. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nais ng bawat bansa na maibangon    
               ang kanilang ekonomiya. Sa simula ang Great Depression sa pagitan ng 1920 at
               1930. Nagsara ang mga  pabrika at marami ang nagutom at nawalan ng trabaho.
            3. Tinanggap ng tao ang iba't-ibang ideolohiya sa pag-asang ito ang magbibigay ng
                 solusyon sa kanilang problema- demokrasya o diktadurya? Tunghayan ang mga
                 iba't-ibang ideolohiya. Bisitahin ang website na ito.        http://www.bse.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyul%2018%20-%20Mga%20Ideolohiyang%20Laganap.pdf

IV. Pagtataya: Sagutin ang mga tanong sa pahina (3,5,6), ( 14,15,16)

V. Kasunduan: ( Isahan)
             - Sagutin ang tanong. Tunay ba na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas? Magbigay ng halimbawa o sitwasyon na nagpapakita na may demokrasya ang ating bansa.



75 komento:

  1. Oo, naipalaganap ang demokrasya sa Pilipinas dahil ibinibigay nila sa mga mamamayan ang karapatang pumili ng mamumuno sa kanila.Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Halimbawa ng mga ginagawa sa demokrasya sa Pilipinas ay maaaring magsalita o magreklamo ang mga mamamayan kapag may maling ginagawa ang gobyerno. Iyon lamang po.

    TumugonBurahin
  2. Oo. Tunay na naipalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Isang halimbawa o sitwasyon na nagpapakita na may Demokrasya ang ating bansa ay ang karapatan ng mga mamamayan na pumili o maghalal ng pinunong gusto nila. :)

    TumugonBurahin
  3. Tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil ang kapangyarihan ng ating pamahalaan ay nakasalalay pa rin sa mga mamamayan at nabigyan rin tayo ng ng pagkakataon upang bumoto ng mamumuno sa atin. Para po sa akin ang pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan sa ating bansa ay isa at ang karapatang bumoto ng bawat isa ay patunay lamang na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa .. yun lng po! :-)

    TumugonBurahin
  4. oo. tunay na naipapalaganap ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng malayang pagboto ng mga mamamayan ng magiging pinuno ng bansa. mabalin pa riyan ay may karapatan din tayong patalsikin ang sinumang nakaupo sa pwesto kung hindi maayos ang pamumuno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng People power. Ang unang People power ay pinangunahan ni dating pangulong Corazon Aquino.

    TumugonBurahin
  5. Tunay na naipalaganap ang demokrasya sa Pilipinas.Ito ang nagbibigay sa atin ng kalayaan na pumili ng mga gusto nating mamuno ng ating bayan. Kung wala ito, hindi natin maiboboto ang mga taong gusto nating ihalal at bigyan ng kapangyarihan para mamuno.At meron din tayong karapatang patalsikin ang sinumang nahalal na hindi naman maayos ang pamumuno.

    TumugonBurahin
  6. Ang demokrasya ay isang pamahalaang pinapairal ng isang Presidente gaya ng sa Pilipinas.Oo tunay na naipahayag ang pamahalaang demokrasya sa ating bansa. Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng demokratikong patakaran. Ang mga tao may kalayaang magbigay ng opinyon at kadalasan ang mga desisyon ay nasa taong bayan. Sila ang pumipili at bumoboto ng mga taong gusto nilang pumwesto sa pamahalaan para mamuno. Halimbawa nito ay ang paghahalal ng mga taong nasa tamang eded para bumoto simula sa pinakamababang puwesto na sa mga bawat barangay hanggang sa pinakamataas na pwesto-- ang Presidente ng bansa. Ngunit maaari rin nating tanggalin sa pwesto ang mga taong hindi ginagawa ang kanilang sariling tungkulin na dadaan pa sa proseso ng sa ipinahayag na impeachment trial.

    TumugonBurahin
  7. Naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas dahil may karapatan ang bawat mamamayan na pumili ng mga pinuno na mamumuno sa bawat pamayanan at sa bansa

    TumugonBurahin
  8. Oo isa na sa pilipinas ang tunay na demokratikong bansa halimbawa na ang edsa people power revolution naganap noong marso

    TumugonBurahin
  9. Para sa akin tunay ngang naipalaganap ang Demokrasya sa ating bansa (Pilipinas) dahil nasa atin ang desisyon kung sino ang tatanghalin nating pinuno o pangulo at may karapatan din tayong pababain o tanggalin sa pwesto ang pinuno na hindi maganda ang pamamalakad.

    TumugonBurahin
  10. para sa akin tunay na may demokrasya sa ating bansa sapagkat tayong mga mamayan ay pantay pantay at meron tayong karapatan na gawin lahat ng gusto natin na hindi labag sa ating batas.Meron tayong karapatang makialam sa isyung kinakaharap ating bansa

    TumugonBurahin
  11. Para sakin tunay na naipalaganap ang DEMOKRASYA sa ating bansa dahil may kalayaan at karapatan tayong maghalal ng ating mga pinuno.Naipalaganap din ang demokrasya sa ating bansa dahilan nito ang karapatan nating lumaya at magpahayag ng ating gustong gawin sa buhay....... :D

    TumugonBurahin
  12. para po sakin,tunay na naipalaganap ang demokrasya sa pilipinas dahil nagkaroon tayo ng karapatang malayang makaboto para sa ating bayan upang maging maayos ang ating pamahalaan ganoon na rin ang mas mababang salik tulad ng barangay kung saan unang inaayos ang dapat na maiayos para sa kaayusan ng ating bayan...

    TumugonBurahin
  13. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  14. Oo. Tunay na naipapalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil maaaring mag-rally ang mga mamamayan laban sa mga katiwalian ng gobyerno, nabibigyan ng respeto ang karapatang pantao at kinikilala ang "majority decision" sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  15. Tunay na naipapalaganap ang demokrasya sa Pilipinas dahil hinahayaan nila ang isang mamamayang magbahagi ng kaniyang opinyon ukol sa isang isyu o problema na kinasasangkutan ng ating bansa. Demokratikong pamahalaan masasabi kung ang kapangyarihan sa pamamalakad ng gobyerno at pagpapatupad ng batas ay mula sa mamamayan. Halimbawa rito ang EDSA revolution kung saan napatalsik ang presidente dahil hindi nagustuhan ng mamamayan ang gawain nito at isama na rin natin ang kalayaang pumili ng mamumuno sa ating barangay, ating probinsya at ng ating buong bansa. :)

    TumugonBurahin
  16. Oo. Tunay na naipapalaganap ang demokrasya sa ating bansa. Dahil nasa kamay ng mga tao kung sino ang magiging pinuno ng ating bansa. Nabibigyan din tayo ng kalayaan upang tanggalin ang mga namumuno kapag hindi na maganda ang kanilang pamumuno sa ating bayan.

    TumugonBurahin
  17. Oo, tunay ngang naipalaganap ang demokrasya sa pilipinas. Dahil may karapatan ang bawat tao na pumili or ihalal ang mga pinunong nais nilang mamuno sa gobyerno. Malaya ang lahat ng Pilipino na bomoto, magtrabaho,sabihin ang kanyang nais sabihin at ipaglaban ang kanyang karapatan.

    TumugonBurahin
  18. Oo, tunay na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Ang pamahalaang Demokratiko ang pinakamagandang uri ng pamahalaan. Dito, maari kang magsalita o magreklamo sa mga ginagawa ng gobyerno. Ito ang mga ibang halimbawa o sitwasyon na nagpapakita na may demokrasya ang ating bansang Pilipinas, sa Pilipinas naipapahayag ng mga tao nang malaya ang kanilang opinyon at kinikilala ang pasya ng marami. Isang bodegero ang tinanong kung bakit sa tingin niya may demokrasya sa Pilipinas, ang sagot nito ay oo dahil nabibigyan ang tao ng kalayaan na magpahayag ng kanilang opinyon. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagangnagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na"Tagapagligtas ng Demokrasya". Ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Isa pang manininda ang tinanong kung may demokrasya ba sa Pilipinas ngayon, ang sagot ay oo kahit papaano dahil sa tuwing may problema sa tinitirhan, nakakapagreklamo sila at aaksyunan ng pamahalaan ang karaingan. Nang tanungin ang isang mamamayan kung may demokrasya ba noong panahon ng Pangulong Marcos, sabi niya mayroon dahil ang tatay niya noon ay nabibiyayaan ng puhunan para sa pangingisda ng DBP (Development Bank of the Philippines). At kahit na raw hindi nakumpleto ang kanilang bayad, hindi raw sila hinabol ng bangko. At Sapagkat ang mga presyo raw ng bilihin ay hindi kasingtaas sa ngayon.

    TumugonBurahin
  19. Oo.Tunay na naipapalaganap ang Demokrasya sa bansa dahil hinahayaan ang bawat mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin.Gayoon din ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas.:)

    TumugonBurahin
  20. Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Sa aking palagay ang demokrasya sa Piipinas ay tunay na naipalaganap dahil may sarili tayong desdisyong gawin ang lahat ng nais nating gawin basta naayon ito sa batas. Malaya ang lahat ng Pilipino na bomoto, magtrabaho, pumunta sa kahit anong lugar na gugustuhin nya basta makakahanap lang ng paraan. At may kalayaan din ang bawat Pilipino na sabihin ang kanyang nais sabihin at ipaglaban ang kanyang karapatan.Ang halimbawa nito ay ang Edsa revolution kung saan napatalsik ang presidente dahil hindi nagustuhan ng mga mamamayan ang kanyang pamamahala o maling gawain.

    TumugonBurahin
  21. Oo, tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa ngunit ito'y utang natin sa ating dating pangulong si Corazon Aquino o mas kilala sa pangalang Cory Aquino. Sa tulong niya at ng mga kababayan nating sumama sa EDSA Revolution, napatalsik ang dating diktador na Pangulong Ferdinand Marcos. Dahil din sa kanila, malaya rin natin ngayong mailalabas ang ating saloobin, nagagawa nating piliin ang nais nating pinuno at higit sa lahat malaya nating natatamasa ang tunay na kalayaan at naipaglalaban ang ating mga karapatan. Sana ay nasa mabuting kalagayan na ang dating pangulong si Cory at sana'y tularan siya ng kanyang anak na kasalukuyang pangulo, si Pangulong Benigno Aquino III at ng mga susunod pang magiging pangulo. =)

    TumugonBurahin
  22. tunay ngang naipalaganap ang nsabing uri ng pamamahalaan sa ating bansa..isang patunay na rito ang malayang pagboto o pagpili ng mga mamamayan kung sino ang nais nilang mamuno sa bayan..isa pang patunay ang karapatan ng mga tao na ipahayag ang hinanaing at pagpili ng relihiyong pinaniniwalaan

    TumugonBurahin
  23. Oo tunay na naipapalaganap ang demokrasya sa Pilipinas sapagkat ang mga pilipino ay may karapatang pumili kanilang magiging pinuno sa pamamagitan ng pagboto. Ang Pilipinas din ay may pantay-pantay na pagkilala sa bawat mamamayan .

    TumugonBurahin
  24. Oo naipapalaganap ang demokrasya sa Pilipinas dahil mayroong karapatan ang mga Pilipino na malayang ipahayag ang kanilang saloobin at opinyon. Nagkakaroon din ng halalan kung saan malayang naiboboto ng mga mamamayan ang nais nilang mamuno sa bansa.

    TumugonBurahin
  25. Oo,tunay ngang naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa.Mga halimbawa nito ay:tayong mga mamamayan ay malayang nakaboboto kapag eleksyon,may karapatan tayong ilahad ang ating mga saloobin at opinyon,may pagkapantay-pantay din tayo sa batas at higit sa lahat nasa kamay natin ang kapangyarihang mamuno.:))

    TumugonBurahin
  26. Oo, tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil ang mga mamamayan ay malayang nakakapili ng gusto nilang mamuno sa bansa, malaya din nilang nagagawa ang kanilang karapatan bilang isang mamamayan at higit sa lahat may pagkapantay - pantay tayo sa batas :))

    TumugonBurahin
  27. Sa tingin ko'y naipalaganap nga ang demokrasya sa ating bansa dahil walang taong nangingibabaw sa ating batas at ang lahat ay gumagalang at sumusunod sa ating bansa. Ang isang halimbawa nito ay sa pagbabayad ng buwis. Ang lahat ng taong pare-pareho ang dami at edad ng mga anak,hanapbuhay,at kinikita ay pantay-pantay ang pataw na buwis na binabayaran sa pamahalaan.

    TumugonBurahin
  28. Ang salitang "demokrasya" ay hindi naglalayo sa tunay na pagkakaintindi ng mga Pilipino sa salitang ito sapagkat ang bansang Pilipinas ay nasa ilalim ng demokratikong patakaran. .Bansang lahat ng tao ay may kalayaang magbigay ng opinyon at bansang ang taumbayan ang kadalasang nasusunod. Nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga tao lalung-lalo na ang mga kabataan na magsipaglantaran sa mga kalye at sumigaw ng kani-kanilang protesta laban sa mga bagay na para sa kanila ay hindi makatao. Inaakala ng mga aktibistang ito na sila ay nasa tamang lugar lalo na’t marami ang nahikayat nilang sumama sa pagrarally. Tama daw sila dahil lahat ng tao ay bukas na makapagpahayag ng kanilang saloobin sa demokratikong bansa nang walang pag-aatubali, magpoprotesta sila hangga’t maari.Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tama ang opinyon ng karamihan. Maaaring makatarungan ang kanilang opinyon, maaari namang hindi. Kahit na totoong nasa demokratikong bansa ang Pilipinas ay may mga tao pa ring nakaupo sa pwesto at mas may karapatang mamuno.

    TumugonBurahin
  29. walang dudang naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa, dahil ang taong bayan ang may kapangyarihan o karapatan na bumoto kung sino man ang kanilang gustong mamuno sa ating komunidad. Pantay pantay din ang lahat ng mga mamayan dahil may sari sarili tayong karapatan kung ano man ang gusto natin mangyari sa ating banyan, nililitis din ng maayos ang mga kasong dinadala sa hukuman, at higit sa lahat naipapatupad at nasusunod ng maayos ang mga karapatang pantao.

    TumugonBurahin
  30. Oo,tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil tayo ay malaya at may mga iba't-ibang karapatang pantao gaya ng karapatang bumoto at maging pinuno.

    TumugonBurahin
  31. para po sa akin, ang Pilipinas ay isa pa ring demokratikong bansa ngunit hindi ito lubusang ganap. Sa panahon ngayon, hindi sa lahat ng oras o lugar ay may karapatan kang gawin ang mga bagay-bagay. Minsan, hindi mo kayang ilahad ang opinyon mo sa mga mas nakakatanda sa iyo dahil sa nirerespeto mo sila at dahil na rin sa mga sinasabi nilang mas alam nila kung ano ang tama.

    TumugonBurahin
  32. Para sa Akin ang demokrasya ay lubos at di lubos na laganap.Sa ating pagboto,Itinuturing itong demokrasya pero ang kakaibat nito ay Vote-Buying.Ibig sabihin nito,isa rin itong pamamagitan ng diktadurya kung saan binibigyan ng pera ang mahihirap na mamamayan na ibig sabihin, walang karapatang pumili ng opisyal ang mga mamamayan.....Pero sa kabilang banda ang Pilipinas ay Demokratikong bansa dahil may karapatan kang pumili ng relihiyon,karapatang komontra at magsalita,at karapatang pagkakapantay-pantay

    TumugonBurahin
  33. Oo,tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa.Tulad sa pagpili ng magiging pangulo sa ating bansa,walang pumipigil sayo kung sino ang iyong iboboto.Sa pagpili ng relihiyon, kung ano ang gusto mong maging relihiyon iyon ang masusunod kaya nga maraming ibat ibang relihiyon sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  34. Oo, naipalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas ng hirangin sa dating pangulong Corazon "Cory" Aquino bilang presidente ng ating bansa.At dahil dito, nagumpisa ang pamahalaang demokrasya. Ang demokrasya ay ang pamahalaang ang kapangyariha ay nababatay sa mga tao na kung saan may karapatan ang bawat na tao na makaboto. At sa kasalukuyang panahon, ang demokrasya ay naipapalaganp pa rin at ngayo'y, pinamumunuan ng ating presidenteng si Pangulong Benigno "Noynoy" Simeon Aquino III. =D

    TumugonBurahin
  35. Sa aking palagay, ang Pilipinas ay tunay ngang demokratikong bansa. Isang patunay dito ay ang pagkakapantay-pantay ng tao at pagkilala sa mga reklamo ng mamamayang inapi o pinagkaitan ng karapatan bilang tao. Halimbawa ay kapag hindi binayaran ng tama o sinasaktan ang isang kasambahay ng kanyang amo, maaari siyang magsumbong sa pamahalaan para maparusahan ang kanyang amo kung mapapatunayan sa korte na ito ay totoo. Ipinapakita nito na sa ating bansa ay tunay ngang laganap ang demokrasya.

    TumugonBurahin
  36. Ang kalayaan ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa pamahalaan sa pamamagitan ng rally ay isa sa mga patunay na ang Pilipinas ay tunay na demokratiko *u*

    TumugonBurahin
  37. Oo, tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil may pagkakapantay-pantay at iba't-ibang karapatang pantao, gaya ng karapatang bumoto,karapatang magpahayag ng mga saloobin at karapatang pumili ng relihiyon.

    TumugonBurahin
  38. Ang demokrasya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang mga tao ang namamahala at ang bawat isa ay may kalayaan at karapatan. Batay sa kahulugan na ito masasabi ko na ang demokrasya sa Pilipinas ay tunay na naipapalaganap sa kadahilanang mayroon naman Freedom of Speech, gaya na lamang ng paglalantad ng "Pork Barrel Scam at Rice Smuggling" na walang takot na ibinunyag. Mayroon ring kalayaan at karapatang bumoto ng mga mamumuno, ang paglilitis ng mga kaso maliit o malaking isyu at paggalang sa karapatang pantao mapamayaman o mahirap.

    TumugonBurahin
  39. Dito sa ating bansa, ang pagiging demokratiko ay ganap na. Ang halimbawa nito ay ang malayang pagpili ng mga tao ng mamumuno sa ating pamahalaan. Ang desisyon ng nakakarami ang nasusunod. Ang iyong mga saloobin at mga opinyon ay malaya mong naipapahayag. At malaya mo ring nagagawa ang gusto mong gawin.

    TumugonBurahin
  40. Maraming paraan kung paano naipapakita na demokratikong bansa ang Pilipinas. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng karapatan na ipahayag ang ating mga saloobin at mga nais. May mga pahayagan kung saan maari nating ipakita at ipahayag ang ating mga nararamdaman. Sa paraang ito makikita na talagang may karapatan ang tao na gawin ang kanyang mga nais. :)

    TumugonBurahin
  41. Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Isang patunay dito ay ang kalayaan ng mga tao na gumawa ng kanilang nais at karapatang ipahayag ang kanilang saloobin at damdamin. Katulad na lamang ng malayang pagpili ng mga tao kung sino ang mamumuno sa naturang bansa. Ang kagustuhan ng nakararami ang nasusunod at umiiral din ang pagkakapantay-pantay. Buhat dito, ang mga kagustuhan ng mamamayan ang siyang dapat umiral.

    TumugonBurahin
  42. Tunay ngang isang demokratikong bansa ang Pilipinas dahil ang mga mamayan ng isang demokratikong ay pantay pantay sa mata ng batas at karapatan, babae o lalaki,mayaman o mahirap, matalino o hindi, relihiyoso o hindi, may pinagaralan o wala. Isang magandang halimbawa dito ang malayang pagpili ng relihiyon sa naturang bansa.

    TumugonBurahin
  43. Oo, may demokrasya sa ating mahal na inang bayan --- may halalan, pantay-pantay at may mga batas na tinutupad. Ito ang mga palatandaan na may demokrasya sa isang bansa ngunit tunay nga ba na naipapalaganap ang true essence ng demokrasya, para sa akin, hindi, hanggat mas marami ang mahihirap kompara sa mga mayayaman, hanggat walang sapat na trabaho sa bawat Pilipino at hanggat hindi makatarungan ang judicial system natin. Isang halimbawa ay ang kahiya-hiyang nangyayari sa legislative branch ng bansa. Ang daming mga kababoyan na nangyayari, ang pinakamalala ay ang Pork Barrel Fund Scam na hanggang ngayon ay hindi pa nanagot ang mga may kulang na pusong mga politician at NGOs na kabilang dito. Siguro ay pagkalipas ng ilang taon ay mabubura na naman ang kasong ito ---demokarasya ba iyon? Hindi tulad sa mga ibang bansa na siguro ay nasa kulungan na ang mga mangmang na kurakista. Wala. Walang tunay na demokrasya rito. Hindi ko nga man lang maramdaman na umuunlad ang ating bansa. Mas humihirap pa nga tayo ngayon. Dumarami ang krimen at mga kaso ng famine sa lahat ng panig ng aking kaawa-awang bansa. Huling huli na tayo. Ang bagal ng pag-unlad, inunahan na nga tayo ng mga karatig bansa natin. Aaminin ko mas gusto ko pa ang totalitarian government ni Ex-Pres. Marcos kung saan makikita mo ang pag-unlad ng bansa. Sabagay tayo ring namang mga Pilipino ang gumagawa ng mga dahilan kung bakit tayo mahirap. Walang tunay na demokrasya. Inuulit ko, may demokrasya sa ating bansa ngunit wala ang totoong diwa nito. Nakakaiyak sabihin.

    TumugonBurahin
  44. Hindi, dahil sa panahon ngayon mas napapaburan na ang mga taong may mga kapangyarihan tulad ng mga pulitiko. Mas napapaburan sila dahil sa kapangyarihan nilang taglay at dahil sa kanilang pera. Makikita naman natinn sa ating lipunan na mas napapaburan ang mga mamamayan halimbawa na lang nito ay ang pagkakaroon ng hustisya sa isang mayaman at mahirap. Sa panahon natin ngayon nabibili na ng mayayaman ang hustisya para lang mapawalang sala ang kanilang ginawang mali at ibahin ang gumawa ng kasalanang ito. Dahil dito naipapakita lang na hnd pantay pantay ang bawat tao.

    TumugonBurahin
  45. oo. Kitang-kita naman ang demokrasya sa Pilipinas. Tayong mga Pilipino ang siyang pumipili ng ating mga ninanais na maging pinuno. Isang pang halimbawa ay nailalabas at nasasabi natin ang ating mga saloobin at sama ng loob sa pamamagitan ng rally. Marami pang mga patakaran ang nagsasabi na may demokrasya nga sa bansa tulad iba't ibang mga karapatang natatamasa natin. Dahil dito, maituturing na maswerte ang mga pilipino.

    TumugonBurahin
  46. Oo.Tunay ngang naipalaganap ang Demokrasya sa ating bansa.Isang halimbawa nito ay ang pagiging malaya ng mga tao na pumili nang kanilang magiging pinuno.Isa pa dito ay ang pag sasabi ng ating mga saloobin sa iba.

    TumugonBurahin
  47. naipapalaganp ang demokrasya sa bansang Pilipinas. ang mga mamayan ng Pilipinas ay malaya at nagkakaroon ng karapatang gawin ang nais . ,malaya rin ang mga Pilipinong sa pagpili ng mga pinuno para sa ating bansa na syang magpapaganda rito.
    kayat tunay na napaiiral ang demokrasya sa ating bansa. :))

    TumugonBurahin
  48. Tunay na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Halimbawa ay ang pagbbgay karapatan sa mga mamamayang mailabas ang kanilang saloobin patungkol sa isang isyu na kinasasangkutan ng bansa. Pati na rin ang kalayaan nating mamili ng pinunong mamumuno sa ating bansa. Isama pa natin ang mga samahan ng mga mamamayan na nakakapagpatigil sa isang aksyon ng pinuno na hindi naisin ng sangkatauhan ...

    TumugonBurahin
  49. OO . Tunay nga na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Isang halimbawa nito ay may sarili tayong desdisyong gawin ang lahat ng nais nating gawin basta naayon ito sa batas. Malaya ang lahat ng Pilipino na bomoto, magtrabaho, pumunta sa kahit anong lugar na gugustuhin niya basta makakahanap lang ng paraan. At may kalayaan din ang bawat Pilipino na sabihin ang kanyang nais sabihin at ipaglaban ang kanyang karapatan. Malaya rin tayong ipahayag ang ating mga saloobin sa ating pamahalaan at malayang pumipili ng mga mamumuno dito sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  50. oo,naipapalaganap ang demokrasya sa ating bansa.halimbawa na lamang nito ang karapatan ng mga mamamayan na pumili at bumoto ng pinunong gusto nilang mamahala sa kanilang lugar..:)

    TumugonBurahin
  51. oo naipalaganap na ang demokrasya sa pilipinas.halimbawa na lang ang pagbibigay karapatan sa mga babae na mag aral sa anumang pa aralan at sa pagpili ng mga kurso na gustong kunin ng isang indibidwal

    TumugonBurahin
  52. Tunay na naipapalaganap ang Demokrasya sa ating bansa dahil may kalayaan tayong gumawa nang mga bagay na gusto natin at pati na rin ang kalayaan nating pumili ng mga mamumuno sa ating bansa at malaya rin tayong ipaglaban ang ating mga karapatan at malaya rin tayong pumili ng sariling relihiyon.

    TumugonBurahin
  53. Oo, tunay na naipalaganap ang demokrasya sa pilipinas. Ang isa sa mga sitwasyon na nagpalaganap nto ay ang people power 1 na pinataksil si marcos dahil sa kapangyarihan ng mamayan at ang people power 2 na pinataksil si erap dhil sa maling pamumuno sa bansa. Pinakita dto na may karapatan ang bawat tao at hndii pwedeng abusuhin ng mga malupit na lider. PInakita rin dto na nagkakaisa ang mga mamayan pra magkaroon ng demokrasya sa pilipinas. Ito ang nagpakita ng demokrasya sa ating bansa

    TumugonBurahin
  54. Oo, tunay na naipalaganap ang demokrasya sa pilipinas. Dahil ito sa pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng demokrasya. Binigyan ang mga kababaihan ng karapatan upang makapag-aral.

    TumugonBurahin
  55. OO.....tunay ngang naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa kahit bago pa mailagay sa puwesto si Corazon Aqino...halimbawa nito ang kalayaan nating pumili ng mga taong gusto nating mamuno sa ating bansa at malaya tayong nakakapagaral sa kahit anong paaralan na naisin natin at nagagawa natin ang mga bagay na ating gustong gawin.

    TumugonBurahin
  56. Opo. Tunay na napalaganap ang demokrasya sa Pilipinas. Sa Pilipinas ay may karapatan ang mga mamamayan na pumili ng mamumuno sa bansa. Ang pamahalaang ito ay gumagawa ng mga batas na pantay pantay ang turing sa bawat mamaya ano man ang katayuan sa buhay.

    TumugonBurahin
  57. OPO. Simula nung sinimulan ni dating pangulo Cory Aquino na palaganapin ang demokrasya dito sa bansa, hanggang ngayon ay umiiral pa rin ito dito sa Pilipinas. Patuloy na umiiral ang demokrasya dito sa bansa at dahil dito nagkaroon ng karapatan ang mga mamamayang Pilipino. Sa panahon ngayon, malaya na silang naghahalal ng mga taong gusto nilang mamuno sa kanilang barangay, bayan, lalawigan at sa buong bansa at ito'y naisasagawa sa pamamagitan ng eleksyon. Ang desisyon ng nakararami ang nasusunod. May karapatan ang mga mamamayang Pilipinong ipahayag ang saloobin patungkol sa isang bagay. Malaya rin ang isang tao na pumili ng napupusuang relihiyon. Dahil sa demokrasya, mayroon tayong mga karapatan.

    TumugonBurahin
  58. Tunay ngang ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa... Sapagkat maaari tayong magsalita o magreklamo sa mga di kaaya-ayang gawain ng mga namumuno sa ating bansa... Tayo din ay pantay-pantay sa mata ng batas, mahirap man tayo o mayaman... Mayroon din tayong karapatang pumili kung sino ang mga mamumuno sa ating bansa at nasa tao ang awtoridad ng mga gawaing pampamahalaan.. kaya sa mga ganitong pangyayari masasabi kong ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa.. :)

    TumugonBurahin
  59. Demokratikong bansa nga ang Pilipinas . Pero bakit ganun? Di pa rin pantay pantay ang lahat ng tao, oo nagagawa nating bumoto kapag nasa tamang edad na, ngunit ganun? Sa korte nalang halimbawa, nagagawang bayaran ng mga mayayaman ang judge upang sila ang manalo sa kaso. Isa yan sa di pagkapantay pantay . At mas ginagalang ng mga tao ang mayayaman, aapak apakan ka lang pag mahirap ka. Marami pa ring ipinagbabawal sa ating bansa kaya di parin tayo malaya. Kaya para sa akin hindi pa ganap na naipapatupad ang demokrasya sa Pilipinas.

    TumugonBurahin
  60. OPO. Demokratiko po ang ating bansa. Masasabi po nating demokratiko ang ating bansa dahil ang desisyon ng nakararami ang nasusunod. Isang halimbawa na rito ay ang pagpili ng ating presidente at mga namumuno sa bansa sa pamamagitan ng isang halalan. Dahil sa demokrasya, malaya na ring nakakapagboto ang mga babae di tulad noon na sa loob lang sila ng bahay. Yun lamang po ....

    TumugonBurahin
  61. HINDI K NAMAN nagbigay ng sitwasyon..

    TumugonBurahin
  62. Opo, Tunay na naipalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Halimbawa g pagpapakita ng demokrasya sa pilipinas ay ang pagboto ng mga mamamayan sa mga nais nilang mamuno sa bansa. Ang pasya ng nakararaming mamamayan ay nananaig.May karapatang maging malaya. Pantay-pantay ang mga tao at walang taong nangingibabaw sa batas at dyan natawag na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Iyon Lamang po ...

    TumugonBurahin
  63. Para Sakin Ang bansang Piipinas ay naituturing lang na Demokratikong bansa Kasi May Kalayaan Tayong Pumili o Bumoto ng Mga Opisyal ng Gobyerno.Pero Bukod Dito Wala na. Para sakin hindi demokratikong bansa ang Pilipinas kasi may bagay pa rin na Hindi tayo malayang gawin. Tulad ng mga Gay/Lesbian na Hindi pa rin Malaya para silang mga Ibon na nakakulong at may sakit na nakakahawa kase Di sila tanggap sa lipunan na para bang Pinandidirihan ng mga tao. Kung tunay na Demokratikong Bansa ang Bansang Pilipinas Lahat ng mamamayan dito ay dapat pantay-pantay girl, boy, bakla o tomboy man dapat pantay.

    TumugonBurahin
  64. OPO:))) Tunay po na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas :) Isang halimbawa nalang po dito ay ang paggawa ng mga bagay na ating nina-nais. Kung anong ating gusto, kung anong gusto nating gawin.

    TumugonBurahin
  65. OPO:))) Tunay po na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas :) Isang halimbawa nalang po dito ay ang paggawa ng mga bagay na ating nina-nais. Kung anong ating gusto, kung anong gusto nating gawin.

    TumugonBurahin
  66. “Democracy.. there is progress. It is a progress in all aspects of life that includes the political, social, and economic status of an individual.” Totoo pong naipapalaganap sa pilipinas ang demokrasya dahil lahat naman po ng tao sa Pilipinas ay nagkakaroon ng karapatan sa mga ibat ibang bagay at may pagkapantay-pantay.////

    TumugonBurahin
  67. para sakin tunay ngang naipipalaganap ang demokrasya sa ating bansa dahil malaya tayong pumili kung ano ang gusto nating relihiyon...yun lang po at salamat :)

    TumugonBurahin
  68. Opo tunay na naipalaganap ang Demokarasya sa Pilipinas. Halimbawa na lang nito ang People power revolution o mas kilala bilang "Edsa revolution" noong 1986.Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao at nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Matatawag itong demokratiko dahil ang kagustuhan ng taong bayan ay nanaig kaysa sa kagustuhan ng iisang lider ng bansa.

    TumugonBurahin
  69. Opo, tunay na naipalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas. Isang patunay dito ang kalayaan ng mga mamamayan na iboto ang kanilang nais na mamuno sa ating bansa. Pati na rin ang kalayaan ng mga tao na gawin ang kanilang mga nais ng walang nagdidikta. Ang lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng batas. Yun lamang po ^__^

    TumugonBurahin
  70. Oo,tunay na naipalaganap ang demokrasya sa ating bansa. Halimbawa nito ay ang pagpapataksil sa mga opisyal ng gobyerno gaya na lamang Sa nangyari sa edsa power revolusyon na siyang ngpatalsik kay dting pangulong Estrada

    TumugonBurahin
  71. ...tunay ngang naipapalaganap ang demokrasya sa Pilipinas. Ang mga mamamayan ay may karapatang bumoto ng mga manunungkulan. Mayroon din tayong karapatang magpahayag ng ating mga saloobin sa maramng paraan.

    TumugonBurahin
  72. Oo dahil ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang magandang halimbawa nito sa ating bansa ay ang karapatan natin sa pang sarili at karapatang pag boto sa nais nating mamahala sa ating bansa *__*

    TumugonBurahin
  73. Tunay ngang naipalaganap ang demokrasya sa Pilipinas. Isang patunay nalang dito ang kalayaang pumili ng mga tao ng mamamahhala sa kanila. mayroon din silang kalayaang sabihin ang kanilang saloobin. maaari rin nilang gawin ang kanilang nais basta't naaayon sa batas :)

    TumugonBurahin
  74. Tunay nang naipalaganap ang demokrasya sa Pilipinas. Isang patunay na ito ay naipalaganap na ay ang malayang pagboto ng mamamayang Pilipino sa gusto nilang mamuno sa bansa. At ang isa ang malaya nilang gusto ang nais nilang gawin basta ito ay naaayon sa batas.

    TumugonBurahin
  75. Magandang guide sa pag aaral sa araling-panlipunan Sakit.info

    TumugonBurahin