Martes, Agosto 27, 2013

Araling Panlipunan IV ( 2 )

       Paksa: Demand

       Lesson Description:
                   Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng tao sa loob ng 
               pamilihan. Ang konsepto ng Demand ay nakatuon sa gawi ng mamimili sa pamilihan. 
               Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais bilhin ng 
               mamimili sa iba't ibang alternatibong produkto sa isang takdang panahon.
      Layunin:
               1. Naibibigay ang sariling pangkahulugan sa demand. ( LC. II, 1.2 )
               2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand. ( LC. II,1.3 )

      Learning Presentation:
                 1. Ang kakayahan at kagustuhan ng isang tao na makamit at bilhin ang isang 
                     produkto o serbisyo ang nagtatakda ng kanyang demand. Kailangan na       sabay na 
                     umiiral ang dalawang katangiang iyon upang masabing may demand ang isang 
                     tao. Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand ng mga 
                     mamimili. Tunghayan ang karagdagang paliwanag tungkol sa paglalarawan ng 
                     demand.
                   http://www.slideshare.net/ginaccristobal/mga-paraan-ng-paglalarawan-sa-demand
                 2. Matapos maunawaan ang mga paraan ng paglalarawan ng demand, Unawain 
                     nating mabuti ang nilalaman ng Batas ng Demand 
                     Kapag mataas ang Presyo, mababa ang Demand at kapag 
                 mababa ang Presyo, Mataas ang Demand "Ceteris Paribus". 
              Ano kaya ang kahulugan nito? Ipaliwanag nga!
                 3. Isa-isahin ang mga salik na naka aapekto ng demand.

     Pagtataya:
          Kung lubos mo nang naunawaan ang tungkol sa demand, subuking 
         sagutin ang pagsusulit na ito.
            http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=demand-quiz
            
         Takdang Aralin:
               Gumupit ng larawan na nagpapakita ng iba't-ibang suliranin ng ekonomiya. Magbigay 
               ng maikling paliwanag kung bakit suliranin ang mga ito.
               
         
                   

              

Araling Panlipunan IV- Ikalawang Markahan

Paksa: Organisasyon sa Negosyo


Paglalarawan sa paksa:

                 Ang negosyo o kalakal  ay tumutukoy sa anumang gawain na pang-ekonomiya na                        may layuning kumita o tumubo na tumutukoy din sa mga gawain o interes.

Layunin:
                  Naihahambing ang iba’t ibang organisasyon ng negosyo ayon sa pakikisapi at                             pananagutan ng bawat kasapi. ( LC. I.G-1.26)


        A.  Learning Presentation:

                 Maraming kagustuhan at pangangailangan ang bawat tao. Sa ganitong kadahilanan                  kung bakit may mga negosyo. Ang mga negosyong ito ang titiyak na makakamit ng 
               bawat tao ang kanilang kagustuhan at pangangailangan na hindi kayang gawin sa                      sarili lamang.
                Upang lubos na maunawaan ang paksang ito. Bisitahin ang website na ito.
                Kailangan na tapusin na basahin ang nakalagay dito upang lubos na maunawaan                         ang organisasyon sa negosyo.
       B. Pagtataya:
                    Subuking sagutin ang pagsusulit na ito. Muli ay bisitahin ang website na ito.

        C. Kasunduan:
                     Basahin ang tungkol sa Demand.
                      Ano ang demand?
                     


Linggo, Agosto 25, 2013

Kasaysayan ng Daigdig- Ikalawang Markahan

Asignatura: Araling Panlipunan III
Lesson Description:
            Natatangi ang kabihasnang Greece sa iba pang sinaunang kabihasnan na umusbong sa Asya. Ang pag-unlad ng sinaunang pamayanan ng Greece na naganap sa kasaysayan 4,000 taon na ang nakaraan ang itinuturing bilang kauna-unahang kabihasnan sa kontinente ng Europe.
Layunin:
           Nasusuri ang mga elemento ng kabihasnang Minoan at Mycenaean.
  

Learning Presentation:
            Matatagpuan ang Greece sa timog-silangan ng Europe. Sinasakop nito ang Timog na               bahagi ng Balkan Peninsula.Pagmasdan mabuti ang mapa lubos na maunawaan ang 
            heograpiya ng Greece. Hindi sila nabiyayaan ng mainam na likas na yaman ngunit 
            napakayaman naman ng sibilisasyon na nabuo sa bansang ito.
                 
           A. Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean sa sinaunang Greece.Bisitahin ang page na                   ito upang mabigyan ng unang kaalaman tungkol sa nasabing kabihasnan.
                              http://www.youtube.com/watch?v=nxvcoIFvjL4
                 Nakilala din ang Greece sa mga Sinaunang diyos at diyosa na nakatira sa Bundok                      ng Olympus.
                  Bisitahin ang pahinang ito.( Pumili ng isa) 
                             http://www.youtube.com/watch?v=nxvcoIFvjL4
                             http://www.youtube.com/watch?v=3Dc_mkH2pGE
          B. Pagtataya:
                     Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang  website na ito.
                    http://quizlet.com/19176491/minoanmycenaean-quiz-flash-cards/
          C. Takdang Aralin:
                     Isulat ang mga kilalang gods and goddesses ng Greece. Ilagay ito sa isang buong 
                     papel. 
 

Lunes, Agosto 19, 2013

Heograpiya ng Asya

Asignatura: Araling Panlipunan II
Pamagat ng Paksa; Heograpiya ng Asya
Lesson Description: 
                    Napakahalagang pag-aralan ang pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang kapaligiran ay may napakalaking impluwensya sa pamumuhay ng mga tao. Ang mga pagbabagong kultural ay maaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao.
Layunin:
               Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
               Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang        Asyano.

Review of Previous Lesson       
     click on this site
Learning Presentation:
                 Matapos mapanood ang nasabing site.  Ilahad ng mga mag-aaral ang mga kontinente. Muli ay manood ang mga mag-aaral sa site na ito.
                PASYALAN NATIN!
            Pagkatapos ng unang gawain, atin namang lalakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya at alamin mo ang antas ng iyong paunang kaalaman ukol dito.  Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at sa kahon sa ibaba nito ay isusulat mo ang iyong sagot sa
  nakatalang katanungan hinggil sa larawan.  Tukuyin mo rin ang bansang kinaroroonan nito sa pamamagitan ng paglalagay ng linyang mag-uugnay sa larawan at sa bansang kinabibilangan nito. Handa ka na? Tayo na! click this site.
    http://www.youtube.com/watch?v=xZYYf0ZuyEs

                Pamprosesong mga Tanong:
1.                              1. Suriin ang bawat larawan.  Paano nagkakatulad ang mga ito?  Ilan dito ang anyong                         lupa at ilan ang anyong tubig?

1.                           2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga ito,                     ano ang iyong pipiliin? Bakit?

2.                       3. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba’t ibang panig ng Asya?  Paano mo ito                patutunayan?

3.                        4. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na                              gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong nanirahan sa
                   mga bansang ito? Pangatwiranan ang sagot.