Linggo, Enero 19, 2014

ARALING PANLIPUNAN III- IKA-APAT NA MARKAHAN


Araling Panlipunan III-Mga Iba't-Ibang Ideolohiya

I. Paksa: Iba't-Ibang Ideolohiya

II. Layunin: Nasusri ang tugon ng mga idelohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng
                                                        establisadong institusyon ng lipunan. ( L.C. IV. A.4.1)
III. Learning Presentation:
            1. Balik Aral. Paano nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya.         Muli
                 bisitahin ang website na ito. http://www.youtube.com/watch?v=sXrnYYWr2-E
            2. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nais ng bawat bansa na maibangon    
               ang kanilang ekonomiya. Sa simula ang Great Depression sa pagitan ng 1920 at
               1930. Nagsara ang mga  pabrika at marami ang nagutom at nawalan ng trabaho.
            3. Tinanggap ng tao ang iba't-ibang ideolohiya sa pag-asang ito ang magbibigay ng
                 solusyon sa kanilang problema- demokrasya o diktadurya? Tunghayan ang mga
                 iba't-ibang ideolohiya. Bisitahin ang website na ito.        http://www.bse.ph/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyul%2018%20-%20Mga%20Ideolohiyang%20Laganap.pdf

IV. Pagtataya: Sagutin ang mga tanong sa pahina (3,5,6), ( 14,15,16)

V. Kasunduan: ( Isahan)
             - Sagutin ang tanong. Tunay ba na naipapalaganap ang Demokrasya sa Pilipinas? Magbigay ng halimbawa o sitwasyon na nagpapakita na may demokrasya ang ating bansa.



Martes, Nobyembre 5, 2013

Araling Panlipunan III - Repormasyon

Araling Panlipunan III- Repormasyon

I. Paksa: Repormasyon

II. Layunin: Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng Repormasyon ( LC 3A,3.7)
                   Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang     
                             Katoliko ang mga lider ng mga Protestante.
III. Learning Presentation:
               1. Balik-aral. Pagbisita sa website na may kinalaman sa mga pamana ng        Renaissance. Bisitahin ang website na ito. 
             http://www.slideshare.net/jeromejohngutierrez/ang-renaissance
              
               2. Sa panahong midyibal, ang Simbahan ay isang makapangyarihang institusyon sa Europe at nagtatalay ng napakalawak na impluwensya. Higit ang kapangyarihang taglay ng mga pari kaysa sa mga hari.Ngunit, unti-unti,ang kapangyarihang ito ng mga pari ay humina,dulot ng maraming kadahilanan.
               3. Sa pangyayaring humina ang kapangyarihan ng pari, nagkaroon ng tinatawag na repormasyon at kontra repormasyon.Ano ang ba ang repormasyon? Bisitahin angwebsite na ito upang lubos na maunawaan ang paksa.
                 http://www.slideshare.net/ghagini0101/ang-repormasyon-13600698
http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10

IV. Pagtataya:
            Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang website na ito:
             http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10
V. Takdang Aralin:
             Ano ang paliwanag ni Martin Luther at bakit may mga ilang sakramento ng SimbahangKatoliko ang hindi niya pinaniniwalaan? Makatwiran ba ito? Ipaliwanag ang sagot.



Martes, Setyembre 24, 2013

Araling Panlipunan III- Pamana ng mga Romano sa Kabihasnan

I. Paksa: Ang Kulturang Romano

II. Layunin:
     Nasusuri ang mga kaganapan sa Kabihasnang Romano ( LC II. A,2.1)

III. Learning Presentation:
       Ang pananakop ng Rome ang nagbigay-daan sa paglikas ng maraming matalinong Griyego , mangangalakal, at alipin sa Italy. Ang mga heneral na Romano ay nag-uwi ng maraming aklat at mga gawaing sining mula sa Greece. Umupa ang mayayamang Romano ng mga guro , manunulat, at mga pilosoper na Griyego upang manirahan sa kanilang pamamahay.
     Ang ilan sa mga sumusunod na kultura ay ang mga sumusunod:Bisitahin ang website na ito.
http://www.slideshare.net/jeddieann/mga-pamana-ng-sinaunang-kabihasnan-ng-roma
http://www.scribd.com/doc/63627864/18/Mga-Ambag-ng-Roma-Mga-Ambag-ng-Roma
Kailangan na unawaing mabuti ang nakasaad sa mga pages o website.

IV. Pagtataya:
Para sa pagsusulit, bisitahin ang page na ito.
http://www.quizfactor.com/quiz/ancient-rome/14

V. Kasunduan:
Ilagay ang inyong score dito sa nasabing blog bilang inyong komento.
Para sa iyo, alin kabihasnan ang mas mayaman, ang Romano ba o mga Griyego? Ilagay ang sagot sa inyong komento.


Martes, Setyembre 10, 2013

Araling Panlipunan IV- Istruktura ng Pamilihan


I. Paksa:
            Istruktura ng Pamilihan

II. Layunin:
            Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng istruktura ng pamilihan.
            Nauuri at nailalarawan ang iba’t ibang anyo ng pamilihan.

III. Learning Presentation:
            1. Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ng mga  mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't-ibang bagay.
             2. Upang lubos na maunawaan ang paksa, bisitahin ang website na ito.
IV. Pagtataya:
            Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang website na ito.
V. Takdang Aralin:
            Gumupit ng larawan ng tatlong produkto na pare-pareho ngunit iba't-ibang pamilihan ang nagmamay-ari dito.
              Halimbawa:
                     Sabong Pampaputi- Likas Papaya, Glutamaxx, Kojic Soap
Idikit ito sa isang bond paper short at lagyan ng kaunting paliwanag.
Ipasa sa akin sa susunod na pagkikita.

Araling Panlipunan IV- Elastisidad ng Suplay


I. Paksa:
            Elastisidad ng Suplay
II. Layunin:
           Naipaliliwanag ang kahulugan ng elastisidad ng suplay sa presyo.
III. Learning Presentation:
           1. Ang presyong elastisidad ng suplay ay ang pagsukat sa porsyento ng                    pagtugon, ng    mga prodyuser o tindera sa porsyento ng pagbabago ng                  presyo. Elastisidad ng  Suplay sa Presyo, ito ay ang antas ng pagtugon ng              dami ng suplay sa pagbabago ng  presyo Elastik . Ang dami ng suplay ay                 nagbabago nang sa antas ng pagbabago sa presyo.
           2.  Bisitahin ang website na ito upang higit na maunawaan ang paksa:
                    http://prezi.com/zh5hynfilphw/elastisidad-ng-supply/
           3. Para sa kompyutasyon sa elastisidad ng suplay, sumangguni sa pormula na nasa                          tsart sa ibaba.                             
                 


Aralin 17: Elastisidad ng Demand at Supply

  IV.Pagtataya:
              Subukang sagutin ang elastisidad ng suplay at tukuyin kung anong uri ng elastisidad                     ito: Ilagay ito sa kalahating bahagi ng papel.
                 1. Q1= 150    Q2= 280     P1= 70     P2= 95
                 2. Q1= 350    Q2= 450     P1= 4.00 Php    P2= 5.00 Php

             Rubrics:
                  5 pts- May tamang solusyon, tamang sagot.
                  2 pts- May sagot pero walang solusyon.
                  1 pt.- Sinubukang sagutin. 

               
V. Kasunduan:
               Papag-aralan ng klase ang tungkol istruktura ng pamilihan.

               
           


Lunes, Setyembre 2, 2013

Araling Panlipunan III- Digmaang Naganap sa Greece





Lesson Description:
          Ang Greece ay napapalibutan ng karagatan: Dagat Aegean sa hilaga, sa 
             kanluran ay Ionian at sa timog ay Mediterranean. Tingnan ang website na ito.
         
                                                            
I.Layunin:
          Pagkatapos ng takdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:
a.    Nasusuri ang naging bunga ng Digmaang Peloponnesian sa mga Griyego.
        ( LCII.A,2.2)

II. Learning Presentation:

1. Magkaibang magkaiba ang siyudad estado ng Greece na Athens at Sparta. Ganunpaman, nagsanib puwersa ang dalawang siyudad estado na ito upang maitaboy ang mga Persiano sa pagnanais nilang sakupin ang Greece.
      Bisitahin ang website na ito.

III. Pagtataya:

               Tingnan ko kung iyong naintindihan ang paksa ating aralin. Bisitahin ang website  na ito para sa inyong pagsusulit.kailangan pa ring isapuso ang ating          napakahalagang kasabihan na, " Honesty is the Best Policy".

IV. Takdang Aralin:
          Sagutin ang tanong:
                   1. Bakit hindi naging mapayapa ang samahan ng mga lungsod-  
     Estado?
                    2. Makatwiran bang tawagin si Pericles bilang “ unang mamamayan “ 
                             ng Athens? Patunayan ang sagot. 
         Sanggunian: 






Grade 8 Learner's Module

Bisitahin ang website na ito para sa mga Grade 8