Martes, Nobyembre 5, 2013

Araling Panlipunan III - Repormasyon

Araling Panlipunan III- Repormasyon

I. Paksa: Repormasyon

II. Layunin: Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng Repormasyon ( LC 3A,3.7)
                   Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang     
                             Katoliko ang mga lider ng mga Protestante.
III. Learning Presentation:
               1. Balik-aral. Pagbisita sa website na may kinalaman sa mga pamana ng        Renaissance. Bisitahin ang website na ito. 
             http://www.slideshare.net/jeromejohngutierrez/ang-renaissance
              
               2. Sa panahong midyibal, ang Simbahan ay isang makapangyarihang institusyon sa Europe at nagtatalay ng napakalawak na impluwensya. Higit ang kapangyarihang taglay ng mga pari kaysa sa mga hari.Ngunit, unti-unti,ang kapangyarihang ito ng mga pari ay humina,dulot ng maraming kadahilanan.
               3. Sa pangyayaring humina ang kapangyarihan ng pari, nagkaroon ng tinatawag na repormasyon at kontra repormasyon.Ano ang ba ang repormasyon? Bisitahin angwebsite na ito upang lubos na maunawaan ang paksa.
                 http://www.slideshare.net/ghagini0101/ang-repormasyon-13600698
http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10

IV. Pagtataya:
            Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang website na ito:
             http://www.slideshare.net/NamPeralta/ang-repormasyon-27493149?from_search=10
V. Takdang Aralin:
             Ano ang paliwanag ni Martin Luther at bakit may mga ilang sakramento ng SimbahangKatoliko ang hindi niya pinaniniwalaan? Makatwiran ba ito? Ipaliwanag ang sagot.



Martes, Setyembre 24, 2013

Araling Panlipunan III- Pamana ng mga Romano sa Kabihasnan

I. Paksa: Ang Kulturang Romano

II. Layunin:
     Nasusuri ang mga kaganapan sa Kabihasnang Romano ( LC II. A,2.1)

III. Learning Presentation:
       Ang pananakop ng Rome ang nagbigay-daan sa paglikas ng maraming matalinong Griyego , mangangalakal, at alipin sa Italy. Ang mga heneral na Romano ay nag-uwi ng maraming aklat at mga gawaing sining mula sa Greece. Umupa ang mayayamang Romano ng mga guro , manunulat, at mga pilosoper na Griyego upang manirahan sa kanilang pamamahay.
     Ang ilan sa mga sumusunod na kultura ay ang mga sumusunod:Bisitahin ang website na ito.
http://www.slideshare.net/jeddieann/mga-pamana-ng-sinaunang-kabihasnan-ng-roma
http://www.scribd.com/doc/63627864/18/Mga-Ambag-ng-Roma-Mga-Ambag-ng-Roma
Kailangan na unawaing mabuti ang nakasaad sa mga pages o website.

IV. Pagtataya:
Para sa pagsusulit, bisitahin ang page na ito.
http://www.quizfactor.com/quiz/ancient-rome/14

V. Kasunduan:
Ilagay ang inyong score dito sa nasabing blog bilang inyong komento.
Para sa iyo, alin kabihasnan ang mas mayaman, ang Romano ba o mga Griyego? Ilagay ang sagot sa inyong komento.


Martes, Setyembre 10, 2013

Araling Panlipunan IV- Istruktura ng Pamilihan


I. Paksa:
            Istruktura ng Pamilihan

II. Layunin:
            Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng istruktura ng pamilihan.
            Nauuri at nailalarawan ang iba’t ibang anyo ng pamilihan.

III. Learning Presentation:
            1. Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ng mga  mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't-ibang bagay.
             2. Upang lubos na maunawaan ang paksa, bisitahin ang website na ito.
IV. Pagtataya:
            Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang website na ito.
V. Takdang Aralin:
            Gumupit ng larawan ng tatlong produkto na pare-pareho ngunit iba't-ibang pamilihan ang nagmamay-ari dito.
              Halimbawa:
                     Sabong Pampaputi- Likas Papaya, Glutamaxx, Kojic Soap
Idikit ito sa isang bond paper short at lagyan ng kaunting paliwanag.
Ipasa sa akin sa susunod na pagkikita.

Araling Panlipunan IV- Elastisidad ng Suplay


I. Paksa:
            Elastisidad ng Suplay
II. Layunin:
           Naipaliliwanag ang kahulugan ng elastisidad ng suplay sa presyo.
III. Learning Presentation:
           1. Ang presyong elastisidad ng suplay ay ang pagsukat sa porsyento ng                    pagtugon, ng    mga prodyuser o tindera sa porsyento ng pagbabago ng                  presyo. Elastisidad ng  Suplay sa Presyo, ito ay ang antas ng pagtugon ng              dami ng suplay sa pagbabago ng  presyo Elastik . Ang dami ng suplay ay                 nagbabago nang sa antas ng pagbabago sa presyo.
           2.  Bisitahin ang website na ito upang higit na maunawaan ang paksa:
                    http://prezi.com/zh5hynfilphw/elastisidad-ng-supply/
           3. Para sa kompyutasyon sa elastisidad ng suplay, sumangguni sa pormula na nasa                          tsart sa ibaba.                             
                 


Aralin 17: Elastisidad ng Demand at Supply

  IV.Pagtataya:
              Subukang sagutin ang elastisidad ng suplay at tukuyin kung anong uri ng elastisidad                     ito: Ilagay ito sa kalahating bahagi ng papel.
                 1. Q1= 150    Q2= 280     P1= 70     P2= 95
                 2. Q1= 350    Q2= 450     P1= 4.00 Php    P2= 5.00 Php

             Rubrics:
                  5 pts- May tamang solusyon, tamang sagot.
                  2 pts- May sagot pero walang solusyon.
                  1 pt.- Sinubukang sagutin. 

               
V. Kasunduan:
               Papag-aralan ng klase ang tungkol istruktura ng pamilihan.

               
           


Lunes, Setyembre 2, 2013

Araling Panlipunan III- Digmaang Naganap sa Greece





Lesson Description:
          Ang Greece ay napapalibutan ng karagatan: Dagat Aegean sa hilaga, sa 
             kanluran ay Ionian at sa timog ay Mediterranean. Tingnan ang website na ito.
         
                                                            
I.Layunin:
          Pagkatapos ng takdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:
a.    Nasusuri ang naging bunga ng Digmaang Peloponnesian sa mga Griyego.
        ( LCII.A,2.2)

II. Learning Presentation:

1. Magkaibang magkaiba ang siyudad estado ng Greece na Athens at Sparta. Ganunpaman, nagsanib puwersa ang dalawang siyudad estado na ito upang maitaboy ang mga Persiano sa pagnanais nilang sakupin ang Greece.
      Bisitahin ang website na ito.

III. Pagtataya:

               Tingnan ko kung iyong naintindihan ang paksa ating aralin. Bisitahin ang website  na ito para sa inyong pagsusulit.kailangan pa ring isapuso ang ating          napakahalagang kasabihan na, " Honesty is the Best Policy".

IV. Takdang Aralin:
          Sagutin ang tanong:
                   1. Bakit hindi naging mapayapa ang samahan ng mga lungsod-  
     Estado?
                    2. Makatwiran bang tawagin si Pericles bilang “ unang mamamayan “ 
                             ng Athens? Patunayan ang sagot. 
         Sanggunian: 






Grade 8 Learner's Module

Bisitahin ang website na ito para sa mga Grade 8

Araling Panlipunan IV - Suplay

Paksa: Suplay

Lesson Description:
             Ang Suplay ay ang dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng bahay-kalakal sa iba't-ibang presyo.Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay-kalakal ang uri at dami ng produkto na kakayaning malikha.

I. Layunin:
         Naibibigay ang sariling pangkahulugan sa suplay. ( LC II, 1.5)
    Nasusuri ang mga salik ng produksyon na nakakaapekto sa suplay.( LC II, 1.6)

II. Learning Presentation:
          1. Tungkulin ng bahay- kalakal ang lumikha ng mga produkto.Ang pagnanais at  kakayahan ng mga suplayer ang batayan ng pagtatakda ng suplay sa pamilihan. 
                 Tunghayan ang pahinang ito upang maunawaan ang konsepto ng suplay at ang mga salik na nakaaapekto dito.
http://www.slideshare.net/markfrancismunoz/ang-bahay-kalakal-at-ang-suplay
           2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng batas ng suplay.
               

III. Pagtataya:
           Sikapin na sagutan ang pagsusulit na ito.
            http://www.econweb.com/MacroWelcome/sandd/quiz/

IV. Kasunduan:
             Basahin sa aklat ang tungkol sa elastisidad ng suplay. 
             Papaghandain ang klase para sa isa pang online na pagtuturo.
                  
                  

Linggo, Setyembre 1, 2013

Araling Panlipunan III- Mga Siyudad Estado ng Greece

Lesson Description:
            Sa kabila ng hindi mabuting kalagayan ng Greece, hindi tuluyang nakaligtaan ng mga Greek ang kulturang hatid ng mga sinaunang kabihasnan. Tinagurian ang kulturang itobilang Hellenic,galing sa Hellas na taguri ng mga Greek sa kanilang bansa.
         
I. Layunin:
               Nasusuri ang mga kaganapan ng mga siyudad estado ng Greece.

   Learning Presentation:
             1. Naging masigla ang mga pamayanan ng Greece. Nang lumaon ay nakapagtatag      ang mga Greek ng mga nagsasariling lungsod-estado na tinawag na "Polis". 
 Umunlad ang mga Polis sa pagpasok ng 750 B.C.E.Polis
                 - Binubuo ng lungsod at mga pamayanan na nakapaligid dito.
                 - May tanggulan na tinatawag na acropolis sa tuktok ng burol.     
                 - Mayroon itong pampublikong lugar na tinatawag na agora.
                  Inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website na ito:
                  http://www.4shared.com/web/preview/doc/sgZG2Nly
               2. Sa lahat ng mga siyudad estado ng Greece, magkaibang-magkaiba ang dalawang siyudad estado ng Athens at ng Sparta. Bisitahin ang website na ito.
                    http://www.slideshare.net/rayjason/athens-and-sparta-2733950
                    https://www.youtube.com/watch?v=X_pAEUZezsY

II. Pagtataya:
            Tingnan ko kung iyong naintindihan ang paksa ating aralin. Bisitahin ang website na ito para sa inyong pagsusulit. kailangan pa ring isapuso ang ating napakahalagang  kasabihan na, " Honesty is the Best Policy". Tingnan ang website na ito.
             http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=athens-sparta

III. Takdang Aralin: ( Isahan)
               Sagutin ang tanong:
               - Anong uri ng pamahalaan ang nais mong umiral sa bansa? Demokrasya o 
                  Militarismo? Bakit?
               - Ilagay ang sagot sa 1/2 bahagi ng papel.
         - Bisitahin din ang website na ito upang lubos pang maunawaan ang ating aralin. 
                 http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/AncientGreece/AncientGreeceLessonsMain.htm





Martes, Agosto 27, 2013

Araling Panlipunan IV ( 2 )

       Paksa: Demand

       Lesson Description:
                   Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng tao sa loob ng 
               pamilihan. Ang konsepto ng Demand ay nakatuon sa gawi ng mamimili sa pamilihan. 
               Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais bilhin ng 
               mamimili sa iba't ibang alternatibong produkto sa isang takdang panahon.
      Layunin:
               1. Naibibigay ang sariling pangkahulugan sa demand. ( LC. II, 1.2 )
               2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand. ( LC. II,1.3 )

      Learning Presentation:
                 1. Ang kakayahan at kagustuhan ng isang tao na makamit at bilhin ang isang 
                     produkto o serbisyo ang nagtatakda ng kanyang demand. Kailangan na       sabay na 
                     umiiral ang dalawang katangiang iyon upang masabing may demand ang isang 
                     tao. Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand ng mga 
                     mamimili. Tunghayan ang karagdagang paliwanag tungkol sa paglalarawan ng 
                     demand.
                   http://www.slideshare.net/ginaccristobal/mga-paraan-ng-paglalarawan-sa-demand
                 2. Matapos maunawaan ang mga paraan ng paglalarawan ng demand, Unawain 
                     nating mabuti ang nilalaman ng Batas ng Demand 
                     Kapag mataas ang Presyo, mababa ang Demand at kapag 
                 mababa ang Presyo, Mataas ang Demand "Ceteris Paribus". 
              Ano kaya ang kahulugan nito? Ipaliwanag nga!
                 3. Isa-isahin ang mga salik na naka aapekto ng demand.

     Pagtataya:
          Kung lubos mo nang naunawaan ang tungkol sa demand, subuking 
         sagutin ang pagsusulit na ito.
            http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=demand-quiz
            
         Takdang Aralin:
               Gumupit ng larawan na nagpapakita ng iba't-ibang suliranin ng ekonomiya. Magbigay 
               ng maikling paliwanag kung bakit suliranin ang mga ito.
               
         
                   

              

Araling Panlipunan IV- Ikalawang Markahan

Paksa: Organisasyon sa Negosyo


Paglalarawan sa paksa:

                 Ang negosyo o kalakal  ay tumutukoy sa anumang gawain na pang-ekonomiya na                        may layuning kumita o tumubo na tumutukoy din sa mga gawain o interes.

Layunin:
                  Naihahambing ang iba’t ibang organisasyon ng negosyo ayon sa pakikisapi at                             pananagutan ng bawat kasapi. ( LC. I.G-1.26)


        A.  Learning Presentation:

                 Maraming kagustuhan at pangangailangan ang bawat tao. Sa ganitong kadahilanan                  kung bakit may mga negosyo. Ang mga negosyong ito ang titiyak na makakamit ng 
               bawat tao ang kanilang kagustuhan at pangangailangan na hindi kayang gawin sa                      sarili lamang.
                Upang lubos na maunawaan ang paksang ito. Bisitahin ang website na ito.
                Kailangan na tapusin na basahin ang nakalagay dito upang lubos na maunawaan                         ang organisasyon sa negosyo.
       B. Pagtataya:
                    Subuking sagutin ang pagsusulit na ito. Muli ay bisitahin ang website na ito.

        C. Kasunduan:
                     Basahin ang tungkol sa Demand.
                      Ano ang demand?
                     


Linggo, Agosto 25, 2013

Kasaysayan ng Daigdig- Ikalawang Markahan

Asignatura: Araling Panlipunan III
Lesson Description:
            Natatangi ang kabihasnang Greece sa iba pang sinaunang kabihasnan na umusbong sa Asya. Ang pag-unlad ng sinaunang pamayanan ng Greece na naganap sa kasaysayan 4,000 taon na ang nakaraan ang itinuturing bilang kauna-unahang kabihasnan sa kontinente ng Europe.
Layunin:
           Nasusuri ang mga elemento ng kabihasnang Minoan at Mycenaean.
  

Learning Presentation:
            Matatagpuan ang Greece sa timog-silangan ng Europe. Sinasakop nito ang Timog na               bahagi ng Balkan Peninsula.Pagmasdan mabuti ang mapa lubos na maunawaan ang 
            heograpiya ng Greece. Hindi sila nabiyayaan ng mainam na likas na yaman ngunit 
            napakayaman naman ng sibilisasyon na nabuo sa bansang ito.
                 
           A. Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean sa sinaunang Greece.Bisitahin ang page na                   ito upang mabigyan ng unang kaalaman tungkol sa nasabing kabihasnan.
                              http://www.youtube.com/watch?v=nxvcoIFvjL4
                 Nakilala din ang Greece sa mga Sinaunang diyos at diyosa na nakatira sa Bundok                      ng Olympus.
                  Bisitahin ang pahinang ito.( Pumili ng isa) 
                             http://www.youtube.com/watch?v=nxvcoIFvjL4
                             http://www.youtube.com/watch?v=3Dc_mkH2pGE
          B. Pagtataya:
                     Para sa maikling pagsusulit, bisitahin ang  website na ito.
                    http://quizlet.com/19176491/minoanmycenaean-quiz-flash-cards/
          C. Takdang Aralin:
                     Isulat ang mga kilalang gods and goddesses ng Greece. Ilagay ito sa isang buong 
                     papel. 
 

Lunes, Agosto 19, 2013

Heograpiya ng Asya

Asignatura: Araling Panlipunan II
Pamagat ng Paksa; Heograpiya ng Asya
Lesson Description: 
                    Napakahalagang pag-aralan ang pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang kapaligiran ay may napakalaking impluwensya sa pamumuhay ng mga tao. Ang mga pagbabagong kultural ay maaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao.
Layunin:
               Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
               Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang        Asyano.

Review of Previous Lesson       
     click on this site
Learning Presentation:
                 Matapos mapanood ang nasabing site.  Ilahad ng mga mag-aaral ang mga kontinente. Muli ay manood ang mga mag-aaral sa site na ito.
                PASYALAN NATIN!
            Pagkatapos ng unang gawain, atin namang lalakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya at alamin mo ang antas ng iyong paunang kaalaman ukol dito.  Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at sa kahon sa ibaba nito ay isusulat mo ang iyong sagot sa
  nakatalang katanungan hinggil sa larawan.  Tukuyin mo rin ang bansang kinaroroonan nito sa pamamagitan ng paglalagay ng linyang mag-uugnay sa larawan at sa bansang kinabibilangan nito. Handa ka na? Tayo na! click this site.
    http://www.youtube.com/watch?v=xZYYf0ZuyEs

                Pamprosesong mga Tanong:
1.                              1. Suriin ang bawat larawan.  Paano nagkakatulad ang mga ito?  Ilan dito ang anyong                         lupa at ilan ang anyong tubig?

1.                           2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga ito,                     ano ang iyong pipiliin? Bakit?

2.                       3. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba’t ibang panig ng Asya?  Paano mo ito                patutunayan?

3.                        4. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na                              gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong nanirahan sa
                   mga bansang ito? Pangatwiranan ang sagot.